Chapter 4

2.1K 51 0
                                    

6pm na asan na kaya yon si Ian kanina pa ako nagaantay dito sa clinic tutal dito naman kami nagusap napatigil nalang ako ng bigla akong makarinig ng kaluskos sa labas ng bintana

"Sino yan ? Ian ikaw naba yan ?"

"Shh Heidi ako to wag kang maingay wala dapat makaalam na maguusap tayo bilisan mo dumaan kana dito"

Habang naglalakad kami di ko mapigilan matakot dito sa kasama ko seryoso syang naglalakad at hindi nagsasalita halatang may pinapakinggan sya sa paligid hanggang nakarating kami sa isang kubo na nasa gitna ng gubat hindi lang sya basta kubo dahil malaki sya at hindi mo basta makikilala na kubo sya dahil sa mga nagtataasang mga puno na nakapalibot rito

"Nandito na tayo" sabi ni Ian saakin at bigla syang kumatok sa pinto ng bahay ibig sabihin nito may kasama syang iba

"Heidi wag kang matakot pag nandito na tayo sa loob ipanatag mo ang sarili mo wag kang kabahan"

"Ano ba ang sinasabi mo Ian . Bakit mo ako dinala dito gusto ko lang malaman ang nakita ko" agad naman bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang isang lalaki na parehas ng school uniform namin

"Pasok kayo wala bang nakasunod ?"paniniguro ng lalaki at mukang seryoso na rin ang tingin nya kay Ian alam kong mapagkakatiwalaan din sya bukod sa seryoso sya ay mukang may halong takot sa loob loob nya ano ba itong lihim na sasabihin nila pati tuloy ako kinakabahan na

Pumasok kami sa loob ng kubo at nagulat ako sa nakita ko sa loob puno ng bawang ang paligid at kung ano anong rosaryo at may holy water na nakalagay sa ibabaw ng aparador at sa lamesa naman ay isang bible hindi ko alam na may prayer meeting dito

"Nagulat kaba Heidi ?"tanong ni Ian na tumutungga ng mineral water ang damot naman nito sya lang ba ang napagod kakalakad

" Oo nakakagulat ano ba ang meron dito ? prayer meeting hindi naman ako sinaniban ng masamang espirito ah at isa pa bigyan mo din ako ng tubig ikaw lang ba ang may karapatan uminom" pagmamaktol ko kay Ian at agad naman binato sakin ang isang mineral water ang gentelman nya ha

"So ano ? Ano ba ang nakita ko gusto ko itong malaman ?" pagkatapos kong uminum ng tubig agad ko silang tinanong at kapwa sila nagtitigan

"Magtititigan nalang ba kayo ? Sagutin nyo ako ?"

"Ok Heidi listen sa sitwasyon mo kasi ngayon baka matakot ka or magalit sa sarili pero sana panatilihin mong kumalma"

"Kalma ? Hello guys hindi ko alam kong ako ba ang may problema or kayo because you two are acting so weird Oa na pero gusto ko ng malaman so explain it to me now !"hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na si Ian pagod na ko kakalakad and gusto ko ng ipahinga ang utak ko

"Ok may kamag anak ka bang Velasco ? o ancestor ? dahil ganito kasi yan kamukha mo sya . kamukha mo ang dating lola ng yumaong principal sa school? si Mrs. Velasco" nagulat ako sa tanong ni Ian what a lame question para lang sa kamukha tatanungin nya ko pero sa loob loob ko parang kilala ko ang velasco na tunutukoy nya

"Ahhm wala so ibig sabihin sya din ang nakita mo sa opisina ?" kahit kinakabahan na ako hindi ko nalang pinahalata kay Ian

"No . to be honest Heidi wala akong nakita sa room na iyon pero nung nakita kita kanina sa clinic alam kong kakaiba ka physic kaya ako" pagyayabang nya mukang bumalik na ang Ian na kausap ko sa clinic kaya medyo nabawasan ang tense ko

"So sige physic kana . ipaliwanag mo nalang sakin ok ?"

"No ok na ako doon sa sinabi ko. gusto ko malaman ang sagot mo bukas tanungin mo mga kamag anak mo or mommy or dad mo kung kaano ano mo ang mga velasco teka ito suotin mo ito palagi at wag mong huhubarin proteksyon iyan" sabay abot nya ng isang bracelet na may krus at ung krus ay parang napapalibutan ng bato o diamante

"para san naman ito ?"

"Wag kanang magtanong pa basta isuot mo at wag mong iwawala para walang masamang mangyayare sya nga pala eto si Oliver sya ang magbabantay sayo hindi sya makikipagusap sayo sa madaming tao para walang makahalata in case of emergency lang" sbay turo nya sa lalaki muka naman syang mabait dahil ngumiti na sya saakin hindi katulad kanina

"teka bakit mo ito ginagawa Ian ??" hindi ko na napigilan sya na tanungin kong bakit nya ito ginagawa saakin

"Ayoko lang magkagulo . at ayoko na mapahamak ka . kailangan ko din malaman ang natatagong misteryo kung bakit namatay ang dating principal dito malapit sya saakin Heidi at alam ko matutulungan mo akong malaman"biglang naging malungkot ang tono ng pananalita ni Ian bakas sa boses nya ang pangungulila nya

"At isa pa Heidi maari bang saatin lang itong pinagusapan natin at wala ng makaka alam ng iba ? para lamang sa proteksyon ?"

"wala kong balak pagsabihan ian"

Note:

Wazzup guys are you enjoying the stories pasensya na sa mga typo errors ko uulitin kopo newbie pa lamang ako inspired writers lamang po

Thank You Enjoy Reading :)

Dont Forget To Share Ang Votes Guys

Descendant Of The Devil[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon