"Nasisikipan ka ba?" bigla niyang tanong sa akin.

Hindi pa ako nakakalingon muli sa kanya upang sumagot ay naramdaman kong umusod siya sa kabilang gilid at umabante rin para mas magkaroon ako ng espasyo habang siya ay hindi na gaanong maayos ang pagkakaupo at sinisiksik pa ang sarili sa gilid.

"Ah... I'm fine..." I said in a tiny voice.

"Mukha ka kasing hindi kumportable," nag-aalala niyang sabi.

Mabilis akong umiling. "Hindi ah! Ayos na ayos nga ako!"

I absentmindedly pulled him closer to me just to assure him that I'm fine. Huli ko nang naisip na nakakahiya pala ang ginawa ko lalo na nang napatitig ako sa aking kamay na nakapirmi ang hawak sa kanyang matipunong braso. Bahagya akong nag-angat ng tingin sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang gulat dahil napadala siya sa aking biglaang paghila.

Our eyes locked the moment they meet each other, but I did everything to free myself from it. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at saka binuksan ang aking bag para hindi niya mahalata ang aking kagustuhang pag-iiwas ng tingin. Naisipan kong kuhanin na lang ang aking wallet para ihanda na ang parte ko sa aming pamasahe.

I just hoped that even when we were this close, he wouldn't hear how my heart beats crazily for him. Nagwawala ang aking puso at sa tingin ko'y hindi ko ito mapapakalma.

I was about to open my wallet when Silver suddenly stole it from me and put it inside my bag again. He even closed the zipper of the bag before smiling at me.

"I'll pay for us," he told me.

Hindi naman bago sa akin ang ilibre dahil lagi 'yong ginagawa  sa akin nina Gio, Kuya Diego at Ate Ariana pero pakiramdam ko'y ngayon lang ako nailibre dahil sa sayang nararamdaman ko ngunit nandoon pa rin ang hiya.

"Ha? H-Huwag na..." Nagkanda-utal-utal pa ako. "Puwede namang hati tayo. May pera naman ako."

Umiling lang siya sa akin. "Sagot na kita."

I just nodded and smiled. "Thank you..."

His grinned widely. "You're welcome."

I pursed my lips when I couldn't stop myself from smiling. I bowed my head down and played with my fingers. Pakiramdam ko ay napakahaba ng biyahe namin ni Silver papunta sa kanila pero iilang minuto lang naman 'yon.

Si Tita Gold ay nag-aabang na sa kanilang bakuran nang makarating kami upang salubungin ako ng mahigpit na yakap. Abala pa si Silver sa pagbabayad ng aming pamasahe nang hilahin ako ni Tita papasok sa kanilang tahanan.

"Tuturuan sana kitang magluto ngayon ng meryenda natin kaso ay kinailangan ko nang magluto kanina dahil pinakain pa ang mga kapartido ng asawa ko. Hindi na tuloy kita nahintay. Pasensya na, ha?" paghingi ng pasensya ni Tita Gold kahit na hindi naman na iyon kailangan.

I shook my head and smiled. "It's okay, Tita."

"Pangako, sa susunod na lang na pagpunta mo rito ay tuturuan na talaga kita," pangako niya sa akin.

Hindi maalis ang aking ngiti dahil sa kabutihang ipinapakita niya sa akin. Silver's mother is very pure and kind. Napaka-suwerte ni Silver dahil siya ang kanyang ina, pero alam kong suwerte rin si Tita sa kanyang anak na namana ang kanyang magandang ugali.

Naagaw naman agad ni Silver ang aking atensyon mula sa kanyang ina nang pumasok siya sa loob ng bahay. Hindi naman ako nabigo dahil agad ding napunta sa akin ang kanyang tingin bago lumapit sa kanyang ina upang humalik sa pisngi nito.

"Akyat lang ako sa kwarto," paalam niya sa akin at tumango ako sa kanya bago muling tumingin kay Tita Gold.

Tita Gold filled me in with stories of what happened these past few days in a summary. She also told me that she was patiently waiting for my next visit and kept asking Silver about me. Pagkatapos niyang magsalita ay sa akin naman siya nagpakuwento. Nagkuwento na lang ako patungkol sa pag-uwi ni Kuya Diego rito sa Bela Isla at sa nalalapit niyang kasal. Nasabi ko rin na malapit nang matapos ang term kaya kinailangan kong ibigay ang buong atensyon ko sa pag-aaral.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now