Chapter 28

10K 193 44
                                    

ARA P.O.V

MASAYA kong pinapanood sina Nanay at Tatay na naglalambingan sa may balkonahe ng bahay namin. Malaki na at yari na sa semento ang bago naming tahanan, masaya ako na naibigay ko na din ang magandang buhay na pinangako ko sa kanila.

Di na din nila kailangang pumunta pa ng laot para kumita ng pera kasi binigyan ko sila ng puhunan para makapagtayo ng maliit na negosyo.

Sa dami ng pinagdaanan ko, masasabi kong kuntentong-kuntento na ako sa buhay na meron ako ngayon.

"Uy ang sweet naman nila Tatay-lo at Nanay-la." bigla ay sulpot ni Gaven mula sa loob.

Ang bilis ng panahon, limang taon na siya. Ang laki na at ang bibo pa.

Natawa naman ang mag-asawa at binuhat ang anak ko.At ngayon, may susunod pa. Napahaplos ako sa tiyan ko, 2 weeks na naman akong buntis.

Another blessing.

Another life.

Napalingon ako sa sasakyan na humintong sasakyan sa labas ng tarangkahan namin. Si Kuya.

Ang aking asawang napakagwapo pa din, napakatikas at nakakalaglag-panty pa din ang appeal.

"Daddy!" sinalubong agad siya ni Gavin. Kinuha naman ni Aris ang dalang pagkain at groceries na dala niya.

Agad namang kinarga ni Kuya ang anak namin habang papasok.

"Hi hon. " sabay halik niya sa akin.

"Anong sabi ng opisina sayo?" I asked.

"On going pa din ang paghahanap dun sa mga armadong lalake dito sa lugar natin. Ang sabi ko tutulong nalang ako kahit na nasa bakasiyon ako. "

Tumango ako. Natanggap ko na din ang uri ng trabaho niya, tinanggap ko na din na mas kalahati ng buhay niya ang kanyang pagsusundalo, na karibal ko ang buong bayan sa kanya.

Wala eh, ganun talaga.

"Kumain ka na ba? Halika sa kusina, nagluto si Nanay ng pansit. " aya ko.

Sumunod naman siya agad. Pinaghain ko siya specialty ni Nanay.

"Ah oo nga pala Kuya, attend tayo ng kasal nina Danna next month." sabi ko.

"Next month na ba yun? Akala ko ba si Loriele ang ikakasal?" maang niyang tanong

Yeah. Alam na namin na si Mike at Danna pala, at si Danna ang sinasabing ex noon ni Mike. Sa madaling salita, ginamit lang ako ni Mike para mapalapit kay Danna ulit.

Hay... pag-ibig nga naman...

"Si Danna nga kasi next-next month yung kay Loriele. Pinalit nila kasi buntis na si Danna, so gusto niyang maging sexy sa wedding gown niya kaya ayaw niyang mahalata ang tiyan niya kapag kinasal siya." paliwanag ko.

"Hon."

"Oh?"

"Naisip ko lang, sana noon pa kita binuntis no? Para matagal na din nilang nalaman na may relasyon tayo kaya sana di na tayo nahirapan ng matagal." parang tanga niyang pahayag.

"Baliw. Saan naman ang kunsensya mo at bubuntisin mo ang teenager na nag-aaral pa?"

"Kungsabagay." sabay kibit-balikat niya.

Napa-iling nalang ako.

"Uwi na tayo. " aya ko sa kanya.

Nagpaalam na kami at umuwi na ng mansiyon.

"Tinang!" patakbo ng pumasok si Gavin nang makita si Maya.

"Sina Mommy?" Kuya asked.

"Nasa labas pa po eh. Date po ng date."

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon