Chapter 25

7.1K 92 3
                                    

DANNA P.O.V

NAPAAWANG yung labi ko nang makita ang babaeng bumaba mula  sa sasakyan ni Dad, kitang-kita ko yung perang hawak niya.

Dinamba ng kaba ang dibdib ko. Ano yun ni Daddy? Possible kayang babae yun ni Dad? Is he cheating on Mom??

Nakita kong bumaba na din si Daddy at pumasok sa company building namin.

Umibis na din ako sa kotse ko at agad na sinundan yung babae na ngayon ay nag-aabang na ng sasakyan.

"Miss?" tawag ko at tumayo na ako sa harap niya.

My god. Ang bata pa niya, kasing edad ko lang yata. Transparent yung gulat na rumehistro sa mukha niya nang makita ako.

"Ano ka ni Daddy ha?? Kabet ka ba niya? Pinagtataksilan ba niya si Mom? " sigwada ko agad. Mas lalo siyang nabigla sa tanong ko.

"H-Hindi ganun..."

"I saw you got out of his car, may pera kang hawak and I am sure that Dad gave you that money. Tell me, matagal na ba ha?? Matagal ka na bang humuhuthot ng pera sa daddy ko.?"

Napayuko na siya, umiyak. Mas lalong tumindi ang pagdududa ko. "Mygod!! Ang bata mo pa! Wala ka na bang mahanap na mas bata naman? o baka mas trip mo talaga ang apat na M?"

Matandang Mayaman Madaling Mamatay.

"No... di ako kabet ng Daddy mo." aniya. Napataas yung kilay ko. "Binayaran lang niya ako... para pikutin si Luke."

Ako naman ang nagulat ngayon.

"Anong sabi mo? Dad paid you para pikutin si Luke?? Ikaw yung babaeng sinasabing nabuntis ng papakasalan ko?"

Tumango siya.

"Dati kong nobyo si Luke, pero masyadong mata-pobre ang pamilya niya kaya naghiwalay  kami. At.. at ginawa ko lang naman yung utos ng Dad mo kasi kelangan ko ng pera. Nasa ospital ang Tatay ko, kelangan namin ng pangpa-opera."

Iyak lang siya ng iyak habang nakayuko.

"Patawarin niyo ko.. pero ngayon na-realize ko na mali yung ginawa ko. Ayaw ko na sanang tanggapin yung binayad ng Dad mo pero pinilit niya ako. Para din daw sa anak ko." patuloy na pagpapaliwanag niya." Wag kang mag-alala ,wala naman akong balak na habulin siya sa responsibilidad niya, ako nalang yung bubuhay sa anak ko. Sana mapatawad mo ako, Ma'am.Patawad po talaga.".

Naguguluhan pa din ako.

"Bakit kailangang gawin yun ni Daddy? "

"Para daw po di matuloy ang kasal niyo."

That was another bomb. Mas malakas. Mas nakakagimbal.

Napabuntong-hininga nalang ako. " Pero di mo dapat tinatago kay Luke yang anak niyo, ama siya ng dinadala mo. And I'm sorry kasi dahil kay Dad, nabuntis ka."

She frowned. " Walang kasalanan ang Daddy mo, ang totoo nga ay bumilib ako sa kanya kasi ginawa niya to para mailigtas ka sa pamilya nina Luke."

"Bakit? Halimaw ba ang pamilya ni Luke?"

Tumango siya. Na-amaze ako, akala ko siya yung tipikal na probinsyana na di magawang magsalita ng masama sa kapwa lalo na at laban sa mayamang pamilya ni Luke.

"Kaya gagawin ko ang lahat, wag lang mapasali sa pamilya nila. Ayokong kawawain na naman nila kami. Bubuhayin ko yung anak ko na  malayo sa nga mata-pobreng mga tao."

A future strong mother. Pero iba yung  pakiramdam ko eh, iba ang nararamdaman ni luke sa kanya.

"Alam mo kausapin mo si Luke. Siya yung unang umatras sa kasal namin kasi gusto ka niyang panindigan."

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now