Chapter 9

7.1K 96 6
                                    

ARA P.O.V

Dali-dali kong tinanggal ang suot kong seatbelt nang makarating na kami ng mansiyon pero mas mabilis pa din si Kuya na madaluhong ako kaya napasandal ako sa kotse.

"Thesis ba talaga ang ginagawa mo ha? O nakikipaglandian ka sa Kevin na yun?!" matalim niyang asik sa mukha ko."Pinagloloko mo ba kami ha?!"

"Wala akong ginagawang masama Kuya! Nag-aaral lang ako!"

Pinilit ko siyang maitulak sa may dibdib kasi dikit na dikit na siya sa akin."Iwas ka ng iwas sa akin para ano ha?! para malaya kang makipag-harutan sa hayop na yun?!"

"Ako pa talaga ang maharot ngayon? Sino ba sa atin ang namamangka sa dalawang ilog ha?! Di ba ikaw?! Ikaw itong may si Ate Mia! tapos ano?! pag-uwi mo dito? ano? Ako naman?!" di ko na din napigilang bulalas.

Natigilan siya sa sinabi ko.

"Ara..."mahinahon na niyang anas, hinaplos niya ang mukha ko pero umiwas ako."I'm sorry."

Yeah. Yun lang naman ang kaya niyang sabihin sa akin eh, ang sorry. Sorry kasi nasasaktan na ako, sorry kasi option lang ako, sorry kasi never niya akong magiging priority, sorry kasi dapat lang akong itago, sorry kasi wala akong choice kundi ang manahimik nalang kahit na sobra na akong nahihirapan.

"Gusto ko ng matulog Kuya" sabi ko pero ayaw pa din niya akong padaanin."Kuya ano ba?!" iwas ko nang pilit niya akong hinahalikan. Mas isinandal niya ako sa kotse pero nanlaban pa din ako.

Kinabig niya  ang batok ko at sinakop ang labi ko. Tinulak ko siya sa dibdib sabay sampal, marahas kong pinunasan ang namasa kong labi. "Wag mo akong pilitin na pagsisihan ko ang araw na pumayag ako sa ganitong set-up Kuya. Just give me space."

Sabi ko at iniwanan ko na siya.

KINAUMAGAHAN. Kakasuklay ko lang ng buhok nang may kumatok, siguro handa na ang breakfast. Lumabas na ako, napamaang ako nang mabungaran si Kuya sa pinto din ng kwarto niya.Nakatitig agad siya sa akin.

"Ara, I'm sorry." aniya at niyakap ako.Tahimik ko lang na kinalas ang mga braso niya sa katawan ko at bumaba na. Natigilan ulit ako nang makita si ate Mia.

"Hi Ara."malambing niyang bati.

"Morning ate." pilit kong ngiti. Umupo na ako, then nagsimula na kaming kumain.

"Nakakatampo naman tong anak ko, matagal na pala dito eh, di pa namin alam" basag ni Tita sa katahimikan. "Samantalang dati ako ang unang nakakaalam na andito na siya."

"Sorry po Tita" natatawang sabi ni Ate Mia.

Ngumiti si Tita."Okay lang iha, alam ko naman na darating talaga ang panahon na ganito." Tapos nagtawanan silang dalawa. Napayuko nalang ako, bibilisan ko nalang din ang pagkain ko para makaalis na. Para akong tino-torture dito.

Lihim kong nakuyom ang kamao ko sa ilalim ng mesa.

"Ara bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?" puna ni Tita sa akin.

Napakislot ako at napaangat ng mukha. "A-Ah busog pa po kasi ako Tita. Mauna na po ako."

"Oh sige, magbaon ka ng pagkain. Mahirap mag-aral kapag gutom."

"Opo."sabay alis ko na. Dun lang ako nakahinga ng maluwag. Paakyat na sana ako nang may maalala akong itanong kay Tito kaya agad akong bumalik.

"Tito di ba business partner niyo ang mga Jiang?" tanong ko.

"Oo iha, bakit?"

"Hmm.. nung nabili po ba nila yung lupa na pinagtayuan nila ng hotel, sira na po ba agad yun o sila pa mismo ang nagpa-demolish?"

Forbidden LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora