Chapter 5

9.9K 111 7
                                    

AFTER THREE YEARS. . .

ARA P.O.V

"Wah! Di pa din ako makapaniwala! Isang taon nalang at gagraduate na tayo!"

Sabay palakpak ni Karen.

"Oo nga ! Parang kailan lang no? Magiging journalist na din tayo!" sagot din ni Danna.

"Grumaduate na muna tayo. Isang taon na nga lang pero madami pang mangyayari. Marami pang neurons ang mamamatay sa atin. Lalo na sa thesis natin." basag sa kanila ni Loriele.

Yung thesis kasi namin, kelangan naming mag-Feature ng isang lugar then gagawan namin ng article.

(A/N:gagawa ko lang po yung thesis thingy. IT po kasi ako hindi Journalist^_____^)

"May naisip na ba kayong lugar para i-feature? Sabi nila kapag maganda daw ang nagawa mong article may possibility daw na school na din mismo ang maghahanap ng trabaho para sa atin kaya dapat bongga ang lugar na ita-topic natin."

"Nag-iisip na nga ako ngayon eh. Nae-excite na ako."

"second sem pa yun. Enrol muna tayo ng first sem." pambabara ko din sa kanya.

Tama sila, ang bilis ng panahon. Ngayon,pa-graduate na kami.

"Gala tayo?" aya ni Karen.

"Di ako pwede eh. Kelangan kong umuwi ngayon ng maaga." tanggi ko.

Ngayon kasi uuwi si Kuya eh. After 8 months, makakauwi na din siya. At super excited na talaga ako. Sana naman matagal siyang andito kasi kahit na nasa bakasyon siya, panay pa din ang tawag sa kanya para mag-report.

"Oh siya sige na. Mag-ingat ka." sabay kaway sa akin ni Danna.

Tumango ako at tumalima na. Pagdating ko sa mansiyon ay naabutan ko si Tita na nasa garden na naman.  Nagmano ako sa kanya. Napamaang ako nang makita na nasa labas ang kotse ni Kuya.

"Ah Tita, andito na po ba si Kuya Jeff?"

"Yes iha .nasa taas siya,baka nagpapahinga muna."

Napatango ako nang kumalat na naman sa katawan ko yung excitement. Pumasok na ako, dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit matapos maligo. Lumabas ako para katukin si Kuya pero nagdalawang-isip ako. Baka kasi pagod siya sa byahe at natutulog pa. Pero miss ko na talaga siya.

Aish. Mamaya na nga lang. Baka maka-istorbo pa ako.

"Why don't you knock?"

Gulat akong napalingon.

"K-Kuya! "

Anas ko, akala ko natutulog siya. Lumapit siya sa akin kaya napasandal ako sa pinto. Ang gwapo talaga niya. Mas pumogi nga yata ngayon kahit na medyo nasunog sa araw ang balat niya, siguro sa mga gyera. Dumipa siya para makorner ako. Yumuko siya sa akin.

"A-akala ko nasa loob ka at natutulog? Saan-----hmm!"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang yumuko at inangkin ang labi ko. Nanulak agad ako pero parang gigil na gigil siya na ayaw talaga niya akong bitawan.

"Ara ano ba?"

Inis niyang asik sa akin nang ipagitna ko ang palad ko sa mga labi namin para mapuknat yung labi niya sa akin.

"nasa labas kaya tayo."

Umirap lang siya. Binuksan niya ang pinto at binuhat niya ako papasok. Pinatong niya ako sa may mesa then agad niyang kinain ulit ang labi ko. Yumapos ang dalawa niyang braso sa beywang ko, yumakap naman ako sa may batok niya. We are really eating each other's lips.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now