Chapter 17

9K 144 137
                                    

ARA P.O.V

AT THE PRESENT...

Agad kong pinunasan yung luha ko nang makita ko sina Loriele at Danna na palapit sa akin. Andito na kasi kami sa resort na gaganapan ng kasal nina Din. Tatlong araw pa yung inaantay pero may mga activity na para sa nalalapit na kasalan.

"Oh ba't andito ka?" Takang tanong ni Danna. Napagtripan ko kasing tumambay dito sa may dagat para makalanghap ng hangin.

Parang di ko na kayang makasama sina Kuya at Ate Mia sa iisang lugar. Sumasakit yung puso ko. Nasasaktan ako.

"Hmm. . Masarap kasi ang hangin dito eh. Si Karen?"

"Andun may kausap na lalake. Alam mo naman yun, hunter ng gwapo." Sabay upo na din nila sa tabi ko.

"Nakakailang nga dito eh." Anas ni Loriele. "Puro mayayaman ang bisita nila, lahat may class, may pangalan, ako lang yata yung wala."

Napatingin kami sa kanya, totoo naman kasi na mga big time yung bisita ni Din, lahat nasa business world.

"Baliw. Bakit ka naman maïilang eh, bisita ka din dito. Saka wala silang pakialam sayo no? Ano ka ba?" Ingos ni Danna.

"Asan ba si Andrie?" I asked.

"Ayun pinakilala ng mga magulang niya sa mga anak ng business tycoons." Nakanguso niyang sagot.

"Eh bakit iniwan mo?"

"Nakakahiya kaya. Baka isipin pa ng iba, basahan yung syota niya. Tinaasan nga ako ng kilay ng iba kanina eh."

"Wow ha? Basahan talaga? Ang ganda mo namang basahan te! Saka dapat masanay ka na, mayaman ang nobyo mo kaya dapat matatag ang puso mo sa mapanghusgang mundo niya." Pahayag naman ni Danna. Sabay pa kaming napatakip sa ilong ni Loriele.

"Lalim ah!" Sabi ko. Umingos lang si Danna.

"Ay ewan! Bahala na!" Buntong-hininga ni Loriele."Kapag may natipuhan siyang iba dun sa mga pinapapakilala sa kanya, handa na akong magparaya."

"Ganun?"

O_O

Napalingon kami, nasa likuran na pala namin si Andrie. Agad na napatayo si Loriele sa gulat, halatang galit si Andrie kasi tiim ang bagang niya.

Lagot na!

"B-babe. . ." Anas ni Loriele.

"Handa ka palang ibigay ako? Damn it!" Pagmumura niya at umalis na. Agad namang sumunod si Loriele

"Babe di naman sa ganun!"

Napa-iling nalang kami.  Kapwa na kami tahimik ni Danna habang nakatanaw sa malayo.

Pareho kaming may iniisip.

"Guys!"

Napalingon kami kay Karen nang tawagin niya kami.

"Bakit andito kayo? Kain na daw." Aniya. Tumayo na kami ni Danna."Kanina ka pa hinahanap ni Din, Ara."

"Nagpahangin lang kami saglit. Saka nakaka-suffocate mga tao dun no? Lahat mayayaman." Sabi ko.

"Tara na. May oxygen tank ako dun kung sakaling ma-suffocate ka talaga." Ingos niya.

Nag-make face nalang ako. Pagdating namin sa loob ng hotel ay kumakain na ang iba sa kanya-kanyang table. Nakita ko sina Tita kasama sina Kuya at Ate Mia, kumakain na din.

"Ayun sina Kuya!" Sabay turo ni Karen sa table nina Kevin, katabi lang din ng table nina Kuya. Pumunta na kami dun.

"Ara, join us." Aya ni Tita nang makita niya ako.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now