Chapter 23

6.9K 126 29
                                    

ARA P.O.V

KITANG-KITA ko yung gulat at pagtataka sa mukha ni Kuya nang makita ang umbok ng tiyan ko. Nanginginig na ako kaya napahawak na ako kay Karen. My god...

Takot na takot na ako. Para na akong hihimatayin. Andito na si Kuya... andito na yung ama ng anak ko.

Pero di niya dapat malaman na anak niya to. Para na akong tatakbo paalis. Di ko siya kayang harapin. Iyak ako ng iyak.

Si Tita din na halatang naninimbang, nakakapit siya kay Kuya.

"A-Anak..." anas ni Tita para basagin ang katahimikan. Para kasing tumigil yung mundo namin, nagtatagpo lang yung mga mata namin ni Kuya.

Miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Miss na miss ko siyang kasama.

"A-Anak... anak kasi si Ara.. anak.. pananagutan naman siya ni Kevin eh."

Yung puso ko parang tambol na. Ang bilis na ng tibok ng puso ko.

"J-Jeff... alam ko na magagalit ka sa pinsan mo pero anak.. pamangkin mo na din yung dinadala niya eh. Alagaan nalang natin ha??"

"Sinong sabi mo yung ama ng dinadala niya?" walang emosyon na tanong ni Kuya.

"Si K-Kevin."

Napayuko na ako, di ko kayang tingnan ang reaksiyon niya. Ayokong makita na nasasaktan siya. Ayokong makita ang anumang hapdi na makiraan sa mga mata niya.

Napaatras siya.

"No...No. FUCKING NO!!"

Napakislot ako nang malakas siyang sumigaw. Kitang-kita ko yung galit sa mukha niya, para na din siyang iiyak kaya mas napahagulhol na din ako.

"HINDI!!HINDI PWEDE!!"

Pagwawala na niya.

"Anak tama na!" awat na ni Tita nang pagsuntukin na niya ang pinto. Malakas na umiiyak si Tita at tila mga kutsilyo ang mga yun na tumutusok sa puso ko.

"PUTANG-INA NIYONG LAHAT!! BAKIT NIYO TO GINAWA SA AKIN HA??"

Napayakap na ko kay Karen kasi parang bibigay na ako. Sumusuko na lahat ng lakas na meron ako sa katawan ko.

"BAKIT?? MOM BAKIT? NAWALA LANG AKO NG ILANG BUWAN PAGBALIK KO NABUNTIS NA SIYA NG IBA??"

Alam kong sobra ko siyang nasasaktan ngayon. Gusto ko siyang lapitan at sabihin na siya ang ama ng dinadala ko, ayoko.. ayoko siyang saktan kasi doble yung balik sa akin.

"K-Kuya...". anas ko at lalapitan na sana siya nang mau humawak sa akin sa braso.

Si Kevin. Matiim yung mukha niya, tila pinipigilan ako sa gusto kong gawin. Tila doon naman ako natauhan.

"Halika na muna, doon ka muna sa bahay. " sabay hila na niya sa akin.

"K-Kevin..." iyak ko sabay hila sa kamay ko nang ayaw niyang bitawan.

"And what are you thinking ha?? Sasabihin mo sa kanya ang totoo?? Sa tingin mo ba, gaganda at aayos ang sitwasyon?? It will just make it worst Ara."

"P-Pero..."

"Let's go." matatag na aniya.

Pinasakay na niya ako ng kotse niya. Si Karen naman ay nasa kotse na din niya. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makarating na kami ng bahay nina Karen.

"Oh tubig."sabay abot sa akin ni Karen , iyak pa din ako ng iyak. Naninikip na din ang puso ko."Ang OA naman kasi ni kuya Jeff, natanggap nga agad nina Tita bakit parang ang weird ng reaksiyon niya kanina.".

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now