Chapter 2

10K 128 5
                                    

ARA P.O.V


"Morning Maya."

Bati ko sa kasambahay nina Kuya.

"Morning din Ara. Ipasok mo nalang yan."

Sagot niya, dala ko na kasi yung pinalabhan nina Tita. Pumasok na ako , naabutan ko sa sala si Tita Carmen na may kausap sa telepono. Inantay ko siyang matapos.

"Oh iha, kanina ka pa ba diyan?" tanong ni Tita.

"Hindi naman po Ta. Yung pinalabhan niyo po."

Sabay mano ko sa kanya.

"Lapag mo nalang diyan. Kamusta na ang Nanay at Tatay mo?"

"Okay naman po sila, Ta. Nasa laot po palagi."

"Naku, sabihin mo sa kanila na wag silang masyadong magpapagod, alagaan nila yung mga sarili nila."

"Opo Ta. Sige po, alis na po ako."

" Dito ka nalang kumain. Handa na ang lunch."

"Wag na po Ta. Sa bahay nalang po."

"Halika na."

Sabay akbay niya sa akin kaya wala na akong choice kundi ang sumama sa kanya. Napamaang pa ako nang maabutan ko sina Ate Mia at Kuya Jeff na magkatabing kumakain. Halatang nagulat din si Kuya nang makita ako. Nagmano ako kay Tito. Hindi ako hiniwalayan ng titig ni Kuya kaya napayuko nalang ako.

"Ang mga kapatid mo Ara?" tanong ni Tito Junseo sa akin.

Matagal na kasi siya dito sa Pilipinas kaya ang gara na niyang mag-tagalog.

"Nasa bahay po To."

"Long time no see, Ara. Dalagang-dalaga ka na ah. Siguro may boyfriend ka na." panunukso sa akin ni Ate Mia.

Napamaang ako then sumulyap ako kay Kuya, nakatingin din siya ng matiim sa akin. Pero di ko mabasa ang expression ng mukha niya.

"Wala pa po Ate."

Ang hirap magsinungaling. Saka ang awkward lang.

"Talaga? Sa ganda mong yan?"

Nakangiti niyang panunukso sa akin. Napaka-genuine niyang tao eversince kaya di ko din alam kung paanu namin siya naloloko ni Kuya ng ganito.

Kimi lang din akong ngumiti. Then kumain na kami. Di na nga ako nag-aangat ng mukha kasi nasa tapat ko lang si Kuya.

"Eh kayo? Kailan kayo magpapakasal?" tanong ni Tito sa kanila.

Napalunok ako, bumilis na ang tibok ng puso ko pero hinanda ko na ang sarili ko sa pwede kong madinig. Sumulyap lang si Kuya kay Tito kaya si Ate Mia nalang ang sumagot.

"Di pa namin alam Uncle but we wanted it as soon as possible."

That sucks!

"Make it faster iho. Gusto ko ng magka-apo." dagdag ni Tito.

Natawa sina Tita at Ate Mia.

"Ito naman po kasing anak ninyo, naturingang sundalo, ang hina."

They laughed again, except me and Kuya.

"Just eat, Mia."

Matigas na tugon ni Kuya na kahit ako ay nabigla.

"Why so serious anak? Nahihiya ka ba sa pinsan mo? For sure gusto din ni Ara na magkapamangkin na din, right iha?" baling sa akin ni Tita.

I swallowed hard. Panu ko gugustuhing magkapamangkin kay Kuya gayong gusto kong ako ang maging ina ng mga anak niya.

"Stop asking nonsense question."

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now