"No?"

"What no?"

"No. Your answer is no."

"Huh? NO! I mean not yet"

"Oh I thought. . . . "

"No no no. .  Hindi pa ako makapagdecide e"

"Ahh okay. I'll just wait"*Sabay ngiti*

        Napayuko na lang ako. Pagdating namin sa ospital iniwan ko yung ibang sandwich sa sasakyan niya.

"Thank you ulit!! Ang bait mo talaga sakin!"

"Alam mo namang malakas ka sakin e! O yung tinapay mo!"

"Bayad ko yan sa paghatid mo sakin tska sa pagsalo mo sakin kanina sa hagdan. Tska sa paggising ng maaga para ihatid ako. Paguwi mo tulog ka ulit okay? bye!"

"Okay thank you! bye!"

        Pagalis niya, pumasok na agad ako sa loob. Kahit medyo late ako okay lang wala naman masyadong pasyente ngayon. 

"Sino yung naghatid sayo?"

"Ah si JR"

"Aaahhh yung jowa mo"

"Hindi. . .  hindi ko pa siya sinasagot"

"Ay bongga! Hindi pa sinasagot effort kung effort na!"

"Oo nga e! Sana hindi magbago"

        Lunch break na, hindi pa ako nagugutom, dumaan muna ako sa chapel ng ospital, ngayon lang ako ulit makakadaan dito e. Ang lagi ko lang naman dasal e yung maging safe lahat ng pamilya, kaibigan, at malapit sakin e, pero this time nadagdagan ng isa.

"Lord hihingi lang po sana ako sainyo ng sign kung dapat ko na po ba talaga sagutin si JR. May makita lang po akong blue na rose sa mga magdadala ng bulaklak sa mga pasyente dito, yun na po yung sign para sagutin ko po siya"

        Natapos ang lunch break ko habang nasa chapel. Naglalakad na ako pabalik ng makasalubong ako ng lalaki na may dalang bouquet ng bulaklak. Puro white yung rose niya at nagiisang blue ang nasa gitna. Napalunok ako sa nakita ko.

"Lord yun na po ba yun? Parang ang bilis naman po. Isa pa po para sure na"

        Hindi naman sa pinagdududahan ko si Lord sa sign na hiningi ko, pero bakit ganun kabilis? Agad agad? So dapat ko na talanag sagutin si JR? Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko. Busy Busyhan naman kami sa mga chart ng pasyente. Malapit na matapos yung shift ko, kaya inaayos ko na yung mga gamit ko.

"Marie kasabay mo ba si milo uuwi?"

"Oo magdate daw kami e!"

"Ahh ganun ba. Sige, ako lang pala magisa uuwi"

"Gusto mo sabay ka na lang samin"

"Ay hindi na! makaistorbo pa ako senyo! hahaha! Mabilis naman na yunug byahe niyan"

"Okay sabi mo e!"

        Maaga pa naman kaya hindi pa masyadong delekado. Paglabas namin ng ospital, bigla akong binatukan ni marie

"Aray ha!"

"Paawa ka pa kanina! Echosera ka may sundo ka naman pala!"

"Sundo? Saa. . . "

        Nagulat ako andun si JR.

"Sipag naman ng childhood sweetheart mo!"*Sabay tawa*

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now