CHAPTER 4 "FUNNY HUH?"

Mulai dari awal
                                    

Bigla akong nasamid sa sinabi nya. Dito daw magpapakasal?

“Bakit? May problema ka ba dun?” I shook my head. “Mabuti naman. Alam ko namang tutuparin ni Zak ang pangako nya.” Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi nya. I mean, dito kami magpapakasal? Hindi naman sa ayaw ko kaya lang – kaya lang kasi baka gumawa ng paraan ang lola nya para lang hindi matuloy ang kasal namin. Sa mga pinapagawa nya sa’kin at mga sinasabi nya sa’kin at paano nya ko itrato halatang ayaw nya sa’kin para kay Zak. “Ikaw, ano bang plano mo? Ke babata nyo pa kasal agad yang nasa utak nyo. Hindi ko gusto ang tulad mo para kay Zak.”

At ayun na nga. Para akong sinaksak, pero dahil ako ang may hawak ng knife parang sya ang gusto kong saksakin. Pasalamat na lang sya matanda na sya at lola sya ni Zak. “Uhmm.” Naiiyak na ko. “Hindi ko naman po kayo mapipilit na magustuhan ako.” Pero wala po kayong choice. “Madami na po kaming pinagdaanan ni Zak at hindi na po kami papayag na magkahiwalay pa po kami.” Tumayo ako sa harapan nya. “Kahit po pahirapan nyo po ako, kahit po manghuli pa ako ng maraming manok at magluto at magsibak gagawin ko pa yang lahat para lang kay Zak. Kung gusto nya po ditong magpakasal sige po, wala pong problema sa’kin. Kahit saang simbahan po kami ikasal ayos lang. Kahit ilang beses pa. Mahal na mahal ko po ang apo nyo. Pasensya na po pero di po ako papayag na pigilan nyo kaming dalawa sa pagmamahalan namin.” Buo ang loob ko na kahit anong ipagawa nya sa’kin di ako natatakot. Mahal ko talaga si goon at maisip ko palang na di kami ang magkakatuluyan naiiyak na ko. Hindi na ako makahinga parang di ko kakayanin. Pero sana din wag syang maniwala na gagawin ko talaga lahat yun. Grabe naman, dami na nga naming pinagdaanan papahirapan nya pa ko.

“Mang, tinatakot mo ba ang mahal ko?” biglang pumasok si goon na may hawak na mga sinibak na kahoy.

Nakangiti lang ang lola nya at tsaka umalis ng kusina. TIningnan ako ni goon. “Oh wala akong ginawa sa kanya ha. Promise.” Nagsmile sya at hinalikan nya ako sa ulo.

“Magluto ka lang dito. Kakausapin ko lang si mang.” At lumabas na din sya. Oh no, ito na ata yung part na kakausapin na nya ang lola nya tapos kakausapin din sya ng lola nya tapos mag-uusap sila. Hindi pwede. Nooooooo! Anong gagawin ko?

ZAK’S POV

“Mang!” sinundan ko si mang sa labas dahil nagdiretso sya dun. Kinuha nya ang mga patuka ng manok at nagdiretso sa manukan ng hindi lumilingon sa’kin. Nagwoworry na ako kung ano ba ang nangyari sa loob kanina. “Mang sandali.” Hinawakan ko sya sa braso at iniharap ko sa’kin at nagulat ako sa nakita ko. Si mang umiiyak. “Mang bakit ka naiyak?” pinunasan ko ang mga luha nya.

“Kasi – kasi yung nobya mo.” Tapos umiwas ulit sya ng tingin sa’kin.

“Mang sabihin nyo na po ang totoo.” Sinundan ko sya papunta sa manukan.

“Masyado lang akong natutuwa na nalulungkot kasi – kasi nakahanap ka na ng babaeng mamahalin.” Naramdaman kong mas lalong naiyak si mang. “Mukhang sosyal yung nobya mo pero hindi sya nagrereklamo kung anong ipagawa ko. Sinubukan ko nga sya pero habang nagsasalita sya kanina nakita kong nagsasabi sya ng totoo. Na mahal na mahal ka talaga nya.” Napangiti naman ako sa narinig ko. Gusto ko tuloy halikan ngayon si aswang. “Masaya ako sa’yo apo, nakita ko yung ngiti at titgan nyong dalawa at nakita kong masaya kayo. Yun lang naman ang gusto ko para sa’yo ang maging masaya kayong dalawa habang buhay.”

Perfect Haters Book 2: Almost Perfect (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang