Twenty-three: We meet again

58 3 3
                                    

Jeremy's POV

Umangat ako ng tingin at nag-tama ang aming mga mata. Sumabay ang pag-tibok ng puso ko , pag-init ng pisngi ko at pag-tigil ng mundo.

Kami na ni Natalia at dapat sakanya lang ako nagfo-focus, pero paano? Paano kung in love ako sa iba?

Bigla kong natanong ang sarili ko, Do i have feelings for her?

"Jeremy," someone called my name, snapping me out my thoughts.

-
Mica's POV

He looked away at doon nag-tapos ang long eye contact namin.

"Mica, sa tingin ko, in love ka parin kay Jeremy." Ani Anne at binatukan ko siya. "Aray ha." Aniya at tumawa ako ng mahina.

"Sorry, ikaw kasi." Aniko. "Gutom na ako. Sa'n mo'ko ililibre?" Tanong niya. "Ayaw kong manglibre." Aniko at ngumuso siya sa akin.

Bumuntong-hininga ako, "Fine. Kung di ka lang kyut, hindi kita ililibre." Aniko and her face lit up, niyakap niya ako ng mahigpit at sinimulan na niya ang pagpili niya kung saan niya gustong kumain.

-

"Sayang, hindi ko nakuha 'yung koala na bear. Para sa'yo sana 'yun, e." Aniya habang palabas kami ng mall.

"Bakit koala?" Tanong ko. "'Cause you love hugs!" Aniya at napa-ngiti ako, at sumingkit ang mga mata ko. (May eye smile si Mica, e)

Biglang may pumatak na tubig sa sahig at tumingin ako sa langit, umaambon at unti unti itong lumalakas.

"May dala kang payong?" Tanong ko. "Uhm, wala, e." Aniya. I brushed my fingers through my hair. "Pa'no na 'yan.." aniko ng mahina.

May biglang nag-abot sa akin ng payong at nakita ko si Jeremy sa tabi ko. Tinanggap ko ito. "Thank you Je-" hindi ko na natapos ang pangungusap ko dahil umalis siya agad.

"Ay, ganun?" Bigkas ni Anne. "Lika na." Aniko, ignoring Anne.

-
"Bye.." ani Anne nang huminto ang dyip a destinasyon niya. "Bye." Aniko at ngumuso dahil maiiwan akong mag-isa sa dyip. "Okay lang 'yan. Bye." Aniya at bumaba na ng dyip.

Kaunti lang ang tao sa dyip , at natatakot ako.

Naka-earphones ako habang ka-chat ko si Marky. Huminto ang dyip pero, hindi ko na ito pinansin.

Jeremy's POV

Pinara ko ang dyip at nang huminto ito, sumakay na ako. (As usual)

Iniisip ko parin si Mica.

Speaking of Mica, nakita ko siya, kaharap ko lang siya at tinitigan ko siya for a while.

Naka-earphones siya habang naka-baba ng tingin sa cellphone niya. Ang buhok niya ay hinahangin ng malamig na hangin ngayong gabi.

I notice her long eyelashes, her small nose (ps. hindi siya pango.) her pink lips.

Natandaan ko noon, noong close pa kami sa isa't-isa, noong gusto ko siyang halikan pero, hindi ko magawa.

Bigla niyang hinimas ang braso niya at sa tingin ko ay nilalamig siya. I want to hug her, right now but, I can't.

Naalala ko tuloy ang jacket niya na hanggang ngayon ay hindi ko nabigay. Sana dala-dala ko 'yon ngayon at ibigay sa kanya. Pero, bakit ko 'yun gagawin?

May biglang kumausap sa akin at nilingon ko si Natalia. "Kanina ka pa titig na titig sa babaeng 'yan. Mahal mo ba talaga ako?" Tanong niya.

Tumahimik ako. Hindi. Hindi talaga kita mahal. "Oo, oo naman, syempre." I lied.

She hugged my arms. "I love you." Malambing niyang sabi pero wala itong epekto sa akin. "I...love you, too." I lied, again.

"Manong, para po." Nilingon ko ang mala-anghel na boses na 'yon, kay Mica. Napa-tingin siya sa akin pero umiwas agad ng tingin at bumaba na ng dyip.

"You said you love me. Then, why are you staring at her?" Tanong ni Natalia.

Oh no, aawayin nanaman niya ako.

The First Guy Who Made Her Fall In LoveWhere stories live. Discover now