Twelve: Falling Deeper In Love

83 3 0
                                    

May sinabi siya na hindi ko ulit maintindihan
"Paki-ulit. Hindi ko maintindihan." pakiusap ko. Umiwas siya ng tingin. "N-nevermind." wika niya at biglang umalis. Tinitigan ko lang ang likod niya habang umaalis.

I'm curious about it.

______

Uwian na namin at pumunta ulit ako sa rooftop, may umupo sa tabi ko, expecting it's him. "Jeremy?" tanong ko. "Hindi ako si Jeremy, bes, si Sara 'to.."

Nilingon ko si Sara, "Sorry.." paumanhin ko at umiwas ng tingin. "Ikaw talaga, nasanay ka na kay Jeremy, ha." sabi niya at tumawa ako ng mahina. "May sinabi kasi siya kanina na hanggang ngayon nasa isip ko." sabi ko.

"Talaga? Ano 'yun? Crush ka ba niya?" sunod-sunod niyang tanong. "Gagi, hindi. Atsaka, bakit 'yun magkaka-gusto sa'kin?" ang tanong ko. "Malay mo lang, diba?" napa-ngiti ako. "'Wag na nga lang natin pag-usapan 'yun." ang sabi ko at tumango siya.

"Okay, so about sa sleepover mamaya.." tumingin ako sa langit at iniisip si Jeremy, a smile slowly appeared on my lips. "Hoy, anong nginingiti-ngiti mo diyan?" narinig kong tanong ni Sara at napa-lingon sakanya. "A-ah..wa-wala." ngumiti ako sakanya at napansin ko na naka-tingin siya sa ibang direksyon.

Napansin niya ako at itinaas ko ang isa kong kilay habang tinaas niya ang dalawang kilay niya. "May sasabihin ako sa'yo, secret lang 'to ha?" naka-ngiti siya habang sinasabi iyon, lumapit siya sa akin at bumulong. "Kilala mo si David?" tumango ako. "Crush ko 'yun. e." ang sabi niya at namilog ang mata ko.

"Si David? 'Yung bad boy sa section-" pinutol niya ako gamit ang pag-takip sa bunganga ko. "Yes! 'Lam mo naman...mahilig ako sa mga bad boy.." tinanggal ko ang pagka-takip niya sa bunganga ko at tingnan si David, kasama niya ang mga kaibigan niya at nagtatawanan, nakita ko naman na naka-tingin siya sa direksyon namin ni Sara at biglang ngumiti.

Tumingin ako kaya Sara at naka-tingin at naka-ngiti din siya sakanya, tumango ako habang pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. "Osige, kayo na." asar ko, napa-tingin si Sara sa akin. "Tawagan ko si Jeremy, gusto mo?" asar niya din. "Tumigil na nga kayong dalawa! Ang lalandi niyo 'no." ang sabi ko. "Ikaw naman! Panira ka talaga kahit kailan!" hinampas niya ang balikat ko.

Bumaba na kaming dalawa at habang nasa hagdanan kami, may sinabi ako sakanya."May kukunin lang ako sa classroom, Sara, mauna kana." ang sinabi ko at tumango siya. Pumasok ako sa klasrum namin at kinuha ko ang bag ko, palabas na sana ako pero, nakita kong nakaharang si Natalia at ang mga kaibigan niyang si Stephanie.

Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Aba, nang-gigigil ako sa babaeng 'to, ah.

"Bakit palagi kayong mag-kasama ni Jeremy? Kayo na ba? Sige, umasa ka pa." sa tuwing bubuka ang bunganga niya, tinutulak niya ako hanggang sa matamaan ko ang pader. "Alam mo ba na ikaw ang dahilan kung bakit niya itinuloy 'yon?' tanong niyang pasigaw. Tinignan ko siya. "Anong 'yon?" tanong ko. "Ang pag-halik niya sa akin!" namilog ang mata ko.

Hahalikan niya sana si Natalia?

Nakita ko ang kamay niyang naka-taas at handa na akong sampalin pero, pinigilan ko ito at sasampalin na sana siya pero, tumigil ako. "I'd slap you but, that would be animal abuse." ang sabi ko at binaba ang kamay ko at kamay niya, binunggo ko siya. "GRR!" narinig ko siya na nanggigigil. I turn around & gave her a sarcastic smile then, left the room.

Nagulat ako nang biglang nasa harapan ko si Jeremy. "Oh, Jeremy, nandito ka pala.." ang sabi ko at tinignan niya ako. "Ah..oo...gusto mo samahan na kitang umuwi?" ang tanong niya at tumango ako. Lumabas kaming dalawa sa school habang may katahimikan at ngiti. Bumaling ako sakanya, "Ang laki ng ngiti mo, a." ang sabi ko. "Alam ko ikaw din naman, ah." sabi niya.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa naka-upo na kaming dalawa sa jeep. Madami pang tao na sumakay dahilan kung bakit sobrang magka-dikit kaming dalawa. Bigla namang nag-preno ang jeep at kaya naman, napa-yakap ako sakanya ng mahigpit, at sobrang pula ko, ngayon ko lang siya nakita na ganto kalapit.

I looked into his brown eyes again.

Which made me fall deep, in love.

The First Guy Who Made Her Fall In LoveWhere stories live. Discover now