Thirteen: Sleepover (1)

95 4 0
                                    

Nagulat din siya nang biglang akong napa-yakap, at dahil malapit ako sa dibdib niya, narinig ko ang mabilis na pag-tibok ng puso niya, gaya lang ng sa'kin tuwing nakikita ko siya. Pero, bakit ganon ang tibok ng puso niya? Halos lumabas na.

Tumigil ako sa pag-yakap sakanya at tumingin sa ibang direksyon. Awk~ward...

Parang gusto kong tumingin sakanya. Just one quick glance. I took a quick glance, at nakita siyang naka-ngisi. What's with the smirk?

~~~

"Bye, Jeremy. Ingat ka." ngumiti ako habang kumakaway, ngumiti din siya at kumaway. "Bye!" masayang pagpapaalam niya sa'kin bago tumalikod at nag-lakad palayo. Then, i noticed myself smiling. Hay, palagi nalang niya akong iniiwan na naka-ngiti.

Binuksan ko ang gate namin at nagulat nang makita nanaman si Kuya sa harap ng pinto, napa-hawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat, "Kuya naman!" nang maka-lapit ako sakanya, bigla niya akong binatukan. "Aray! Anong trip mo?" inis na tanog ko habang naka-simangot sakanya. "'Yung Jeremy ba'yon?" seryosong tanong niya sa'kin at tumango ako, "Oo, kuya, bakit?"

"Diba sabi ko sa'yo, 'pag nakita ko pa 'yang Jeremy na'yan na nandito, malalagot ka sa'kin? 'Di mo pa nga masyadong kilala 'yang lalaki na'yan, kung saan-saan ka na nagpu-punta kasama 'yan." sabi niya. I rolled my eyes. "'Pag nanligaw 'yan sa'yo, sabihin mo sa'kin, ha? Baka kung anong gawin sa'yo nan." I rolled my eyes again. "Super over-protective ka kamo!" ang sabi ko.

"Syempre! That's how i love my little sister!" ang sabi niya at ngumiti ako. "Ha-ha-ha." pekeng tawa ko. "Ayaw mo ba 'yon?" tanong niya. "Syempre gusto.." ang sinagot ko, bigla niya akong niyakap ng mahigpit, "Yun naman pala, e." sabi niya habang ginugulo ang buhok ko. Nang tumigil na siya sa pagya-yakap sa'kin, naalala ko na ma sleepover pala sa bahay ni Sara at hindi ako dito kakain ng hapunan. Tinignan ko si kuya, "O, bakit?" tanong niya.

"Ahm. Pupunta kasi ako sa bahay nila Sara, doon ako kakain ng hapunan at doon din ako matutulog," mag-sasalita na sana siya, "Pero, bukas ng umaga, uuwi na ako, promise!" tinaas ko ang kanan kong kamay, tumalikod siya at nag-lakad palayo habang naka-tupi ang dalawang kamay niya, sinundan ko siya. "Sige na kuya, please?"

Biglang sumulpot si mama, "Anong nangyayari dito?" tanong ni mama, mag-sasalita na sana ako pero naunahan ako ni kuya, "Si Mica kasi, magi-sleepover siya sa bahay ni Sara, pa'no kung anong mangyari sakanyang masama?" ang sabi ni kuya at bumaling si mama sa'kin. "Ma, please?" ngumuso ako habang naka-dikit ang dalawang palad ng kamay ko. Ngumiti si mama.

"Sige, okay lang! Anong oras ka ba aalis? Para, ihatid ka ng kuya mo." tumakbo ako kay mama at niyakap siya ng mahigpit. "Ikaw naman Johnny, malapit nang mag-eighteen si Mica."
~~

Bye, kuya!" masaya kong sabi nang nasa harapan na ako ng bahay ni Sara, ngunit sumimangot lang siya at nang nakalabas na ako at naka-sara na ang pinto ng kotse, pinaandar niya agad ang sasakyan at umalis, muntik nang matamaan ang paa ko. Nag-lakad ako papunta sa pintuan ng bahay nila at kumatok.

"Mica! Muntik na kaming mag-start mag-dinner, buti naka-habol ka!" masayang bati ni Sara sa akin nang mabuksan niya ang pinto, nginitian ko siya at pinapasok na niya ako, dumiretso kami sa hapag-kainan at nakita ang iba pa naming mga kaibigan na naka-upo at naguusap-usap.

"HI Mica! Akala ko 'di ka na makaka-punta, e!" patawang sabi ni Athena, umupo na kami ni Sara sa hapag-kainan at nag-simula kaming lahat kumain.

Habang masaya kaming kumakain, napa-lingon kami sa limang lalaki na bumaba, nagulat ako nang makita ko si Jeremy, wearing a pajama.

Naalala ko, diba dapat iniiwasan ko siya?! Bakit parang hindi ko 'yon magawa?

Agad akong umiwas ng tingin nang magka-tinginan kami, simula ngayon, iiwasan ko na siya. I brushed my fingers through my hair at accidentally looked at him, i saw him, doing the same thing – he brushed his fingers through his hair, while he was looking at me.

———

Habang nanahimik at kumakain lang ako, may biglang sumipa sa akin sa ilalim ng lamesa. Umangat ako ng tingin kay Sara na nasa harapan ko at binigyan niya ako ng 'pang-asar' na ngiti at binigyan ko naman siya ng death glare.

Habang sinisipilyo ko ang aking mga ngipin, biglang pumasok si Sara na may hawak na toothbrush at toothpaste, lumapit siya sa akin at siniko ako. "Nakit ko yung nangyari kanina, Yiee!" aniya. "Tss." i made a sound and she laughed.

Pagkatapos kong mag-sipilyo, tinignan ko siya sa salamin. "Bakit nandito siya?" tanong ko dito. Nagmumug siya bago sumagot. "Ahh..kaibigan kasi siya ng kuya ko, 'di mo ba alam na magka-klase silang dalawa?" umiling ako, pinunasan niya ang bunganga niya bago mag-salita ulit.

"Edi, ngayon alam mo na. Halika na, magla-laro pa tayo ng Truth or Dare." pagkatapos nun, sabay kaming lumabas sa banyo at pumasok sa kuwarto niya.

"Yes! My favorite game, Truth or dare!" masayang sabi ni Anne nang mailapag ni Sara ang bote at ipaikot ito. Tumama ito kay Sara at Anne, narinig ko ang pag-lunok ni Anne at nakita ko ang evil grin ni Sara. Anong meron?

"Okay, Anne, Truth or dare?" tanong ni Sara habang may masamang ngiti parin sa labi niya. "T-truth.." kinakabahang sagot niya.

"Totoo ba na..."

To be continued...

Ano kaya ang tanong ni Sara kay Anne?

___


HI! Please vote,comment and share this story! Don't be a silent reader!

The First Guy Who Made Her Fall In LoveWhere stories live. Discover now