Chapter 20

4.9K 71 10
                                    


Chapter 20:

Sa sumunod na mga araw ay hindi na alam ni Say kung paano niya nakayang humarap a mga ito at sa girlfriend nito na parang walang nangyayari. She tried as much as possible na magtrabaho habang wala ang mga ito. Inihahanda niya na lang ang gamit o pagkain ng mga ito ng maaga lalabas ang mga ito o kung nasa opisina o kung saan man galing sila. And so for the last three days, she managed not to see neither Nick nor Brooke. Naging busy at nagkaroon ng mga tao sa mansion sa gabi bago ang party ni Nick para sa nag-aayos ng malaking ballroom hall. She didnt go out at all.

She was ready to sleep in her own room nang makita niyang pumasok si Brooke. May dala itong isang malaking box.

"I hope i didnt disturb you?"

"Anong kailangan mo, Brooke?"

"So its just Brooke now if Nick wasnt around?" pailalim ang pagtawa nito na nakakaasar.

"Brooke its 12 midnight, perhaps meron naman sigurong oras para makipaghuntahan lang sayo...not now. What do you want from me?"

"Oh nothing. Im just checking your room and to give this dress for you..."

"Dress? Para saan?"

"Saan pa, you are invited for tomorrow's party of Nick. He wants to see you in that dress."

"A-ako?"

"I'll be busy organizing and hosting the party so he needs a partner. I hope you'd accept the invitation?"

"I'd...i'd think about it..."

"Sana ay dumating ka dahil aasahan niya na magiging kapartner ka niya. At sana ay hindi mo siya gagawing tanga gaya ng kung anong ginawa mo dati sa kanya. Goodnight Say. Sleep well for your beauty tomorrow..."



*****

Kanina pa tinititigan ni Say ang pintuan kung saan lumabas si Brooke habang hawak ang karton ng damit na dala nito. Naalala niya ang huling sinaad ng babae.

Sana ay dumating ka dahil aasahan niya na magiging kapartner ka niya. At sana ay hindi mo siya gagawing tanga gaya ng kung anong ginawa mo dati sa kanya. Goodnight Samantha. Sleep well for your beauty tomorrow...

Napabuntong hininga si Say at tumayo papunta sa pintuan para i-lock ito. Nahagip ng tingin niya mula sa nakabukas na bintana ang papasok na sila Brooke at Nick sa iisang kwarto, sa mansion niya, sa mansion niya dati na ngayon ay pag-aari na ni Nick.

Alam ni Say na darating ang araw na ito. Alam niya kung ano ang magiging plano ng mga ito. Gustong nilang ibalik at baliktarin kung anong nangyari ten years ago at alam niyang dalawa lang ang choice niya dito at bawat isa ay pareho siyang talo.

Samantha 'Say' De Plaza, former Governor's rich daughter decided that night that if they are ever going to do the final revenge against her and make her fool, she'd have to be at her absolute best. She'll be at her most beautiful self. She'll be their willing victim.

A beautiful willing victim who is foolishly in love with the enemy...



*******

Maingay na tugtog at iba't ibang kulay ang nagsasalimbayan sa Ballroom Hallway sa Ikaapat na palapag ng mansion ng De Plaza.

Karamihan sa mga nanduon ay ang empleyado at espesyal na bisita ni Nick para sa malaking welcome party nito.

"Wow, this is such a party! Napakagalante naman ng bagong presidente ng board para sa ganitong klase ng party..."

"Lilac! Oh gosh you're here! Imbitado ka sa party ng bagong may-ari ng dating Reyes's Land Holdings? Ngayon ay The King's Land na ang pangalan?"

The Governor's Daughter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon