Epilogue

7K 112 22
                                    

Epilogue

Kanina pa si Say nakatitig sa bulaklak na dala para sa kanyang ama. Matagal na niyang hindi nabisita ito simula ng napakaraming bagay na nangyari. It has been a week since what happened in the party and her reconciliation with Nick. Naging abala ito sa pag-aasikaso kay Brooke simula ng maospital ito pagkatapos ng aksidente. Hindi niya gustong pangunahan si Nick sa kung anong mga plano nito. They haven't talked since. And now, mas pinili niya munang kumuha ng lakas habang kasama niya ang ama sa memorial gardens.

"It's fine dad...siguro kailangan pa niya ng mas matagal na panahon para makapag-isip tungkol sa amin."

Maaliwalas ang langit sa parteng iyon ng Quezon city. Manaka-nakang may malakas na hangin na dumadaan kaya hawak ni Say ang nilalamig na braso.

"Or kung hindi man ay...wala akong magagawa. Ang importate naman ay nakapagpaliwanag ako at nalaman niyang mahal ko siya talaga..."

"Sa tingin mo, tatanggapin kaya ako ng Governor kapag nanligaw ulit ako ngayon sa anak niya?"

Mabilis na napalingon si Say at nakita si Nick na may hawak na bulaklak.

"Nick!"

"Sa tingin mo, sapat na ba kaya sa Daddy mo ang mga pinagsikapan ko para pwede na kitang isayaw...pwede na kitang mahalin?"

"N-Nick..."

Ang dala nitong bulaklak ay inilapag sa puntod ng daddy niya.

"Sa tingin mo Sir Governor, mahal kaya ako ng anak mo kung sasabihin kong mahal ko siya?"

The wind blew hard again. Napangiti na lang siya na nagkumento sa tanong nito sa kanyang ama. "Silence means yes daw..."

Hindi pa rin si Nick tumitingin sa kanya kundi sa puntod. "Sa tingin mo Sir Governor, pakakasalan kaya ako ng anak mo pag niyaya ko siya?"

"Bakit ba si daddy ang tinatanong mo eh nandito naman ako? At pwede ba wag kang mag-joke sa patay. Sege ka baka bumangon si daddy at talagang ipagawa yan sayo."

This time, Nick's handsome face already looked at her and smiled. "Sino bang nagsasabi na nagjojoke ako?"

"Bakit, wag mong sabihing magpapakasal ka nga sa akin - ako na hindi na mayaman, hindi na sikat, hindi na rin maganda –"

"Stop right there. You are the prettiest girl for me, kahit sako pa ang isuot mo. At kahit hindi ka na maganda, ikaw pa rin naman ang reyna ng buhay ko."

"So let's just wrap it up and get to the bottom of this... Anong gusto mo Nick?"

"Ikaw."

Ngumiti siya sa mabilis nitong sagot. Humalukipkip siya, "Okay so what can we do about it?"

Mula sa pagkakatayo nito ay nagmuwestra itong lumuhod, dumukot ng isang bagay sa bulsa nito and then extended his arms afterwards. Kumikislap ang sinang ng hawak nito.

"Matagal akong nagpakita ulit kasi trinabaho ko pa ito. Ten years ago, i gave you a ring that doesn't even cost anything but my love and a promise."

"S-singsing..." Say remembered the old ring he gave when they were young. Inilabas niya ang singsing nito na nakatago sa kanyang suot na damit at pinakita rito.

"You still kept it all these years?"

"It may not cost anything much to you then Nick, but for me, this was the most precious ring I've ever had because it has the most expensive price of all - your love and your promise. Nung umalis ka, Iningatan ko ito, inilagay malapit sa aking puso, umaasa na sana'y bumalik ka balang araw at mahalin mo ulit ako. At narito ka ngayon, tinutupad ang iyong pangako ... "

Nick was teary when he heard her.  "Will you make me a King and be my queen forever, Samantha Yvette de Plaza?

Bago pa man siya makasagot ay nag-uunahan ng tumulo ang luha niya.

"Umiiyak ka na naman...may kasalanan na naman ba ako? Ayaw mo ba akong nakaluhod?"

Pinahid niya ang luha at tinulungan itong makatayo. "Oo kasalanan mo kung bakit ang gwapo mo kaya walang magawa gawa ang puso ko kundi umoo nalang sa lahat ng gusto mo."

"So it's a yes?"

She laughed. "For someone as genius as you, ang hina mo. Of course it's a yes. "

"Oh God...come here." He gave her tiny kisses. "I love you, my queen."

"And I love you, Nick..."

*****E N D ******

Author's note: Salamat po sa lahat ng mga nagbabasa. I am more familiar with radio script since this story is based on radio drama episode i wrote back in 2018. To listen to the radio story, please visit www.biancafroststories weebly.com and find the original title of this piece called "If This Isnt Love".

If you enjoyed the piece, i hope you click the" follow button" up top.

If you want to hear the audiobook version (radio drama version) and hear how the voice artists acts out the characters in this story, just please visit the links of the following episodes:

Episode 1: http://biancafroststories.weebly.com/bfs-tagalog/if-this-isnt-love-episode-1-by-djbianca-frostEpisode 2: http://biancafroststories.weebly.com/bfs-tagalog/if-this-isnt-love-episode-2-bfs-radio-show

Episode 3: http://biancafroststories.weebly.com/bfs-tagalog/if-this-isnt-love-episode-3-by-djbianca-frost

Episode 4: http://biancafroststories.weebly.com/bfs-tagalog/if-this-isnt-love-episode-4-by-djbianca-frost

- - DJBIANCA Frost

The Governor's Daughter (Complete)Where stories live. Discover now