085

120 9 1
                                    

narration; kihyun


hindi dapat ako aattend nung practice namin pero heto ako ngayon at susubukang humabol pagkagaling sa bahay ng pinsan ko. ewan ko ba may masama kasi akong kutob. hindi ko pwedeng iwanan sila changkyun doon lalo na't nandun si sharrie. iba talaga feeling ko sa babaeng 'yon.





"uy kihyun hyung buti dumating ka" bati sakin ni hoshi pagkatapos niyang sumipsip ng softdrinks. break time yata nila. inilibot ko yung tingin ko pero sila lang ni butter ang nandito.




"kihyun nakita mo na ba yung script? grabe! parang pinlano ni sharrie..." napakunot noo ako sa sinabi ni butter dahilan para tingnan ko yung bagong script na hawak-hawak ni butter.




"potek ano 'to?"



"exactly. kawawa si jaeni pag nagkataon. alam mo bang gusto pang practisin ni sharrie yung pagkawawa niya doon sa character ni jaeni. nako kung hindi lang kami pumrotesta ni hoshi paniguradong kawawa si jaeni physically" pagpapaliwanag ni butter na mas lalong nagpataas ng presyon ko. hinahighblood talaga ako nung babae na 'yon.





"alam ba ni changkyun 'to?" biglang tanong ko sakanya. sigurado akong hindi papayag si changkyun kapag nagkataon. halos malaglag naman yung panga ko nang tumango si butter.






"seryoso hyung nagulat nga rin ako eh" sabi naman ni hoshi. anong nahithit ni changkyun pocha tuluyan na bang nalason ni sharrie yung utak niya-




para akong sabik na sabik makita si jaeni nang matanaw ko siya sa hindi kalayuan pabalik dito kasama yung dalawang asungot. sharrie at changkyun. lagot sakin tong si changkyun mamaya. saksi ako sa bawat nararamdaman niya para kay jaeni tapos ganito yung malalaman ko? yung kilala kong changkyun hindi hahayaang madapuan ng lamok si jaeni





inutusan ni sharrie si hoshi at changkyun may kuhanin doon sa bahay nila. malapit kasi sa bahay nila sharrie etong park kung saan yung practice kuno namin.




seryoso kong binabasa yung bagong script at iniintindi mabuti ang bawat salita at yung flow nung istorya mismo. role ko dito yung kapatid nung male lead—kapartner nung character ni jaeni.




habang sinusubukan kong imemorize yung mga lines ko para kapag nagshoot kami madali kong matatapos yung part ko. tumingala ako para tingnan yung mga puno habang isinasaisip ko yung mga linya pero nagulat nalang ako sa makita ko.




sinasabunutan ni sharrie si jaeni!




dali-dali akong pumunta malapit sa pwesto nila jaeni at sharrie. aawatin ko sana sila nang magsalita si sharrie kaya naisipan ko munang magtago sa likuran nung isang puno malapit sa kinatatayuan ko.





"changkyun is mine. he will always be kaya huwag ka nang umasa jaeni. know your place" sabi ni sharrie at isang pagbaksak sa lupa ang narinig ko. mother's instincts feeling ko si jaeni yon! may kumirot na parte sa puso ko e. kaya pasimple akong sumilip at hindi nga ako nagkamali pero kaagad din naman siyang tumayo at nag-ayos nang sarili.




"sa tingin mo ba may pakielam ako?" nakaangat na yung kamay ni sharrie para sampalin si jaeni nang pigilan siya ni jaeni at sunod nun ang pagbagsak ni sharrie sa sahig na ikinabigla ko. pocha pinigilan lang naman yung kamay niya ah?




"SHARRIE!" oh sht. sigaw ni changkyun na mas ikinagulat ko...




"may masakit ba? get up. kaya mo bang tumayo?" WTH CHANGKYUN



"i don't think so. m-masakit banda dito. hindi ko kaya kyun" sagot naman ni sharrie sakanya.





"this is all her fault kyun! kung hindi niya ako tinulak. nagagalit kasi siya sakin dahil close tayong dalawa. she's possessive of you kyun kaya nagawa niya sakin 'to. she even told me na sakanya ka lang daw" sabi ni sharrie na hindi na ako nakapagpigil at tumakbo papalapit sakanila.




"wait anong nangyari?" pagkukunware kong kararating lang. nabaling naman kay jaeni yung tingin ni changkyun. he's fuming mad, "ask her" piniggy back ride ni changkyun si sharrie at nagkalad papalayo at doon ko nalang narinig si jaeni na humihikbi na pala.





bumagsak siya sa sahig at doon umiyak. nakakuyom yung mga kamay niya. umupo ako para magkapantay kami "don't worry jaen, katotoohanan parin ang mananaig"

coffee | im changkyunWhere stories live. Discover now