081

157 7 4
                                    

narration; jaeni




ilang linggo lang ang binigay samin para magpractice at magprepare para sa play. nandito kami ngayon sa bahay nila butter dahil itong kanya yung pinakamalapit sa campus.


"guys dahan-dahan baka matisod kayo ha" paalala ni butter habang papasok kami sa bahay nila at ilang segundo lang narinig naming sumigaw si sharrie.



pareparehas kaming napalingon sa likuran namin dahil sakanya at hindi naman ako nabigong makita siya na nakakapit sa braso ni changkyun. "kakasabi ko lang eh. pumaparaan yata kay changkyun yan tss" rinig kong bulong sakin ni butter. jusq pinanindigan na yata ni butter pagiging bitter niya.. pero true.... ang sarap niyang sabunutan sa totoo lang.





"saan niyo balak tayo mag-umpisa?" tanong ni kihyun nang makapagpahinga kami. kagrupo ko pala 'tong lalaking 'to— chinat ko pamandin siya nung nakaraan tungkol sa group project namin nato tapos kagroup ko pala! hindi manlang ako ininform na siya pala yung isang member gigil ako.


"pareparehong mukha na naman. pang ilang beses na nating magkagrupo jaeni" reklamo nung isa naming kagrupo na inirapan ko nalang.




"as if namang gusto kitang maging kagrupo hosh" sagot ko kay hoshi. pang-asar kasi 'yan. si butter naman pasimpleng nilagyan ng juice yung mga baso namin.



hindi nakatakas sa pandinig ko yung mahinang chuckle ni changkyun. nasa harapan ko siya ngayon dito sa center table nila butter habang katabi naman niya si sharrie. hindi ba sila nagsasawang magkasama?



tinapik-tapik naman ni kihyun yung likod ko, "wag masyadong high blood nakakapangit yan" pabirong sabi ni kihyun. "hayaan mo na, pangit naman ako" sagot ko sakanya kala niya siguro babarahin ko siya.





"ang daya mo kihyun. ikaw pala 'yun kagrupo ko dapat nagpalit nalang kayo ni minhyuk tutal si hyungwon naman kagroup niya para sana nandito si minhyuk ngayon" sabi ko sakanya na tinawanan niya lang.



"paanong naging madaya e dito talaga ako inassign ni miss. ikaw tong gustong mandaya, dapat kay hyungwon ka nalang nakipagpalit."





"guys meryenda muna tayo bago magstart" yaya ni butter yun namang mga members tuwang tuwa dahil cake yung pameryenda niya. rk rin kasi





"naisip ko yan ki kaso ayaw ni hyungwon. porket bestfriend niya rin kasi si minhyuk ugh"




"bleh kawawa ka naman" talagang nagawa pa akong belatan ni kihyun- bastos.



"you guys are so cute. super close talaga kayo no?" biglang sabat ni sharrie. "oo shar close talaga ng buong tropa tong si jaeni kasi childhood bestfriends sila ni minhyuk parang siya narin nga yung baby namin" hirit ni kihyun dahilan para ilock ko yung braso ko sa leeg niya saka ko siya niyugyog. sasakalin ko to eh



"bakit? tanong mo pa kay changkyun isa kang baby" hirit niya pa. hinigpitan ko pa yung pagkakalock nung braso ko sa leeg niya para ko tuloy siyang yakap yakap ngayon pero tawa lang siya nang tawa.



"changkyun u okay?" tanong sakanya ni sharrie nang hindi siya nagresponse sa sinabi ni kihyun.


"a-ah oo." sagot nito bigla namang inilagay ni sharrie yung kamay niya sa noo ni changkyun. "hindi ka naman mainit though pero bakit namumula ka?" sabi ni sharrie. pinanliitan ko ng mata si changkyun para makita mabuti yung mukha niya. color blind yata 'tong si ati normal lang naman yung kulay ni changkyun ah. papansin bwiset



"butter may med kit ba kayo?" tanong niya kay butter. sasamahan sana siya ni butter dun sa kitchen pero bigla siyang tinawag nung mommy niya kaya ending ako yung sumama kay sharrie. alam ko rin kasi 'tong bahay nila butter.



"close ka sa MX diba?" tanong niya sakin out of the blue. "close ka rin ba kay changkyun?" saglit akong napaisip sa tanong niya. close nga ba kami ni changkyun? e hindi ko nga alam namamagitan sakanila ni sharrie.. kaya isang iling ang isinagot ko sakanya. "sayang. pero compared to me mas madami kayong napagdaan together and i'm pretty sure you know him too well so uhm hindi na ako magpapadalos dalos pa may favor sana ako"



"ano ba yun?"




"i really like changkyun so much. can you help me?" hindi ako kaagad nakasagot hanggang sa dumating na sa tabi namin si hoshi.




"nandito ka lang pala. kanina ka pa nila hinahanap" sabi ni kihyun nang nakatingin kay sharrie habang hawak hawak yung wrist ko. nginitian niya si sharrie saka naglakad papalabas sa kitchen kasama ako.



"don't" bulong niya sakin kaya napatingin ako sakanya nang nakakunot noo "just don't" ulit niya pa na nagets ko naman talaga. pero ang pinagtataka ko bakit niya sinasabi sakin 'to.



nakabalik kami nang maayos sa table. binabasa na pala nila yung script. temptation of the wife of heirs over flowers yung napuntang drama samin pero revised version.




"so sinong gustong magleader?" biglang tanong ni kihyun. agad namang nagtaas ng kamay si sino pa ba? edi yung pabida. "ako nalang. magaling ako sa leadership, ako yung laging naaassign as a leader sa dati kong school kaya maaasahan niyo ako" dagdag niya.



"WOW. sige ikaw nalang" medyo may tonong sabi ni hoshi pero kaagad rin namang sumang-ayon yung iba kaya nakioo nalang rin ako kahit ayoko. lagi kong nakakasama sa group works si hoshi at isa siyang leader material. mas gusto ko siya yung leader namin... masama kutob ko kay sharrie.

coffee | im changkyunWhere stories live. Discover now