074

135 6 3
                                    

narration; jaeni

padabog akong umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ni hyungwon. siya lang kasama ko ngayon dito sa cafeteria dahil si minhyuk nag-sign up para makapagtry-out sa basketball. ewan ko ba don kung anong matripan.



"anyare dyan sa mukha mo?" bati sakin ni hyungwon pagkatapos niyang uminom don sa coffee niya. tinignan ko lang siya saka umiling. sabi kasi ni chang—"sus. aminin mo na kasing miss mo na agad maknae namin. hindi naman nakakamatay umamin ng nararamdaman"



yumuko nalang ako habang umiinom nung frappe ko at pasimpleng pinaglalaruan yung cellphone ko. wala akong balak patulan 'yang si hyungwon pero sinisilip niya talaga yung pagmumukha ko at naghihintay ng sagot.



"tigilan mo nga ako hyungwon"





"alam mo maganda ka. parang bagay tayo? pero bakit ganoon hindi mo ako magustuhan?" natigil ako sa pagsisip ko sa straw nang dahil sa sinabi niya. anong pinapahiwatig mo ha hyungwon?





iniangat ko yung ulo ko at hinarap siya. isang makahilugang ngiti ang natanggap ko. "imposible. jaeni, imposibleng hindi mo ako magustuhan. maliban nalang kung may laman na 'yan"





"nakakapagtaka hindi ba?" pahabol niya pero isang irap lang ang natanggap niya mula sa akin.





"may gusto ka bang kainin? libre ko." basag ni hyungwon sa katahimikan na siya namang ikinaalarma ng tenga ko. LIBRE? ililibre niya ko?! kanina pa kami nakatambay dito tapos ngayon niya lang naisipang manlibre?





"joke time ka"



"grabe to, ililibre talaga kita. fries? fries nalang alam ko namang favorite mo yon." sabi ni hyungwon saka tumayo na mula sa pwesto niya pero bago pa siya tuluyang makaalis hindi nakaligtas sa pandinig ko yung huling sinabi niya.




"tatawag 'yon." walang pangalang binaggit pero isang tao kaagad ang pumasok sa isipan ko. si changkyun.




sabi kasi niya tatawagan niya daw ako, e malapit na dismissal namin pero wala paring tawag! sinong hindi mababadtrip doon diba? ganoon ba talaga kalayo yung sokcho na halos kalahating araw na hindi parin sila nakakarating dun?







ilang minuto ang nakalipas bago nakabalik si hyungwon dala-dala yung tray na punong-puno ng fries. "gagi ang dami.. kaya mong ubusin 'yan?" tanong ko sakanya siya naman 'tong napatakip sa mukha niya.




"kaya NATIN. kakayanin. potek hindi ko naman kasi inasahang sobrang laki pala nung large nila"




"ilan ba binili mo?" tanong ko sakanya tapos siya naman itong tawang tawa at sumenyas na limang large yung binili niya. tulog yata tong kasama ko nakita niya namang dalawa lang kami tapos bibili ng limang large fries?? gago diba.





niisa saming dalawa walang nagsasalita dahil busy rin naman siyang nagbabasa ng libro. may quiz daw sila mamaya kaya kailangan niyang review. sa iilang subjects ko lang kasi kaklase 'yang sila hyungwon. halos sa mga minor subjects lang






"sige kain ka lang dyan. hindi kasi ako nakapagreview kahapon dahil birthday ni shownu hyung" tinanguan ko lang siya. mas okay na yung ganito atleast hindi niya ako kinakausap.




maya-maya lang nag-appear narin sa screen ng cellphone ko yung pangalan na kanina ko pang umaga hinihintay. hindi ko naman talaga hinihintay, hindi ko hihintayin kung hindi siya nagsabi!




nagpaalam muna ako kay hyungwon bago sagutin yung tawag at lumabas sa cafeteria.





["hello"] bungad niya sakin. may gana ka pang maghello matapos mo kong paghintayin? bahala ka dyan!




["sinong kasama mo?"] sunod niyang sabi kahit hindi ko naman sinagot yung hello niya. alam niyang nakikinig ako.



"si hyungwon"



["sino?"] tanong niya ulit dahil napasabay sa sigawan nung mga kasama niya yung pagsagot ko.



"si hyungwon" ulit ko. nag-hum naman siya sa kabilang linya.



["sorry ngayon lang ako nakatawag. nadrain kasi yung phone ko hahaha i miss you"] hindi ko na naintindihan yung huli niyang sinabi dahil may sumabay na nagsalita sa kabilang linya.



"ah changkyun baka nakakaistorbo ako. ienjoy mo nalang yung bakasyon mo usap nalang tayo pag-uwi mo! hahaha magkwento ka ha saka madaming pics" magbababye na sana ako pero bigla siyang nagsalita



["oh.. wait jaeni"]




"ano?"



["i miss you"] sa pagkakataong 'to malinaw at walang ibang ingay akong narinig mula sa kabilang linya. malinaw na malinaw rin yung paghinga niya.





["uhm yun lang naman. s-sige pwede mo na i-end call"]






"changkyun"






["hmm?"]



"see you soon" hindi ko na hinintay pa yung sagot niya. inunahan ko na siyang i-end yung call saka bumalik kay hyungwon. kitang-kita ko kung paano niya ako bigyan nang ngiting aso. hindi ko nalang siya pinansin saka pasimpleng dumampot nung fries.





"kulang pa yata sakin 'to"

coffee | im changkyunWhere stories live. Discover now