068

149 9 4
                                    

narration: jaeni



"pasalamat ka pinayagan ako ni mama. usually kasi hindi na ako pinapalabas ng bahay nun lalo na kung wala akong kasama or hindi si minhyuk yung kasama ko" derederetso kong sabi sa kanya. totoo niyan tumakas lang ako HAHAHA di kasi talaga ako nun papayagan.




"close na close talaga kayo ni minhyuk hyung no?"




"oo naman. bffs kasi parents naming dalawa so ayern bago pa ako magkaisip magkakilala na kami" natahimik kami saglit pero bigla niya akong inunahan sa paglalakad saka humarap sakin habang siya naman itong paatras na naglalakad.



nginitian niya ako, "soooo panay parin ba ang kape mo?" natatawa niyang tanong. hindi na ako masyadong nagkakape ngayon... ewan ko ba. hindi ko na siya hinahanap hanap. ganun nalang bigla.



"hindi na. improving diba?" tumango lang siya at tuluyan na kaming natahimik pagkatapos non sa hindi malamang dahilang at ilang sandali ilang nakadating na kami ng 7/11.



pinakuha niya ako ng gusto kong kainin pero syempre nakakahiya naman so tumanggi ako. pero siya may mga dinampot siya saka bumili nung siopao. akala ko pagkatapos nun aalis na kami pero nagulat ako nang hindi niya ako sa bakanteng upuan senyales na dito siya kakain.



"changkyun hindi pa ba tayo uuwi?"


"teka lang. kakaupo nga lang natin. kumain ka nga muna. saka sulitin na natin tutal tumakas ka narin naman sainyo. paalam my ass" halos pabulong na yung huli niyang sinabi pero hindi yun nakatakas sa pandinig ko. ibinigay niya sakin yung isang supot ng siopao tapos sakanya naman yung isa. so eto lang pinunta niya—namin dito? siopao?!!



"bakit ka nga pala biglang nambulabog ha?"



"gusto lang kitang makasama" napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. tumigil siya sa pagasikaso nung siopao niya saka ako tinignan sa mata.



"ayaw mo ba?" namumungay yung mata niya habang sinabi ang linyang yon kaya kaagad naman akong napailing.




"actually naninibago lang ako. hindi kasi ako sanay lumabas kung hindi si minhyuk saka si hyung—" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize kong muntik ko nang mabanggit yung pangalan ni hyungwon.



"si hyungwon hyung ba?" sabi ni changkyun kaya ako namang 'tong napakamot nalang sa ulo.



"ganon mo ba talaga siya kagusto?" nanlaki nalang yung mga mata ko dahil sa biglang tanong ni changkyun. naalala ko tuloy yung offer niya sakin noon.



"sino naman bang hindi magkakagusto sa isang chae hyungwon? hahaha" pero imbis na matawa siya seryoso lang siyang nakatingin sakin na para bang may mali akong nasabi.



"huy huwag bigyan ng malisya! lodi ko talaga yun si hyungwon kahit nung grade school pa kami."



"so ibig sabihin grade school palang kayo may feelings ka na sakanya?"




"anong feelings? lodi lang. crush ganun. hinahangaan ko lang siya okay? grabe to. HAHAHA kung gusto ko si hyungwon kagaya ng iniisip mo panigurado hindi kami friends ngayon" pagpapatuloy ko. nakafocus lang yung tingin sakin ni changkyun kaya ako naman itong tinuon nalang yung atensyon sa siopao. ang... awkward... pakiramdam ko pinagpapawisan na ako ng husto ngayon.





"ayaw kasi ni minhyuk na may ibang lumalapit sakin na hindi friendship ang intensyon at ganun rin naman ako, ayokong magkagusto sa iba."

coffee | im changkyunWhere stories live. Discover now