"S-Sammy..." saad niya sa akin.

"Bakit sinasabi mo sa akin to?" tanong niya.

"Bakit? Laverne, ano ba?! Bakit kailangan mo pang itanong yan?! Of course, mahal kita!! Kaya ako nagkakaganito!" sagot ko sa kanya sabay hawak ng mukha niya.

"Laverne... Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako. Just let me love you. I'll take all the risk. Hindi mo ako kayang mahalin? So what?! Masiguro ko lang na ligtas ka lagi, sapat na sa akin 'yun!" nanghihina kong sabi sa kanya.

Hindi ko kailanman pinagsisihan na mahalin ang isang katulad niya.

Napansin ko ang pagtahimik niya. Nakayuko lang siya ngayon kaya iniangat ko ang mukha niya.

Nagulat ako nang makitang namumula ang mga pisngi niya at nahihiyang tumingin sa akin. Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"W-wag mong isipin na na-namumula ako d-dahil sa sinabi m-mo. N-nilalagnat lang s-siguro ako..." pagdepensa niya pero ngayon ay mas lalo siyang namula.

Damn! Laverne is blushing?! She is really blushing right now?! The heck?! I can't believe it.

Natatawa kong hinawakan ang noo at leeg niya.

"Laverne, wala kang lagnat. Hindi ka mainit." natatawa ko sa kanyang sabi. Nagulat siya kaya iniyuko niya ulit ang ulo niya.

"Now tell me why are you blushing?" tanong niya sa akin na ikinatingin niya.

"W-what?! I'm not fucking b-blushing! IDIOT!!" sigaw niya sa akin kaya nakita ko kung gaano kapula ngayon ang pisngi ni Laverne.

Bigla ko siyang niyakap. "Laverne, I love you so much", saad ko sa kanya.

"Sammy! Wag mo ngang sabihin 'yan nang basta-basta!" inis niya sa aking sabi.

"Huh? What do you mean?" tanong ko habang yakap-yakap siya.

"I-I mean, bakit ang bilis mong sabihin s-sa akin 'yan?" utal niyang sagot na ikinatawa ko.

"Oh!? The word, 'I love you'? Then, Laverne, I LOVE YOU", saad ko muli  sa kanya.

Damn! This is crazy but I love this moment. I knew Laverne is blushing and now, I'm hugging her. Nakaamin na rin ako sa kanya ng matagal ko nang nararamdaman.

Nagulat ako nang bigla na rin siyang yumakap sa akin.

"S-Sammy...Can you wait?" mahina niyang saad.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Can you wait until I am ready to l-love? Can you wait until the day I realize that I am still a human?" sagot niya na lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Yes. I'm willing to wait", saad ko sabay harap sa kanya.

Nahihiya siya sa aking tumingin kaya wala sa sariling hinalikan ko siya sa pisngi at muling niyakap.

Chloe's POV:

Haayyys, nababagot na ako sa labas. Siguro naman ay tapos na sila ng pag-uusap at sapat na ang time na binigay ko sa kanila kaya baka pwede nang pumasok ulit, ano?

Bigla kong binuksan ang pinto at nakangiting kumaway sa kanila.

Nagulat na lang ako sa nasaksihan ko. Magkayakap silang dalawa. Whaaaattt???

Totoo ba ito? Inuntog-untog ko ang ulo ko sa pader para malaman if this is the reality? Si Laverne, nakayakap kay Sammy?! Oh! Please, kill me!

Nang marealize kong totoo ang nakikita ko ay bigla akong napangiti. Hindi rin naman nila siguro ako ngayon napapansin. Well, good idea talaga ang ginawa ko kanina. I'm so happy for them. Ito talaga ang gusto ko hihihihi

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें