Chapter 11: Nightmare's tactic

5.3K 120 0
                                    

Zachary's POV:

"King, sana naman this time ay hindi na kanselahin ng Xye Mafia ang transaction", I heard Evan said.

"Kung ganon ulit ay mapipilitan tayong tapusin sila", seryoso kong saad na ikinatango nila.

"Tss, Nasaan ba ang Charlotte na yun? Dapat kasama siya dito!!" rinig kong inis na sabi ni Anastasia.

"It's Queen Charlotte", mariin kong sabi at nagulat si Anastasia dahil doon. Nakita ko ring tiningnan nang masama ni Thomas ang katabing si Anastasia.

"Oh...Ye-yeah right. Queen Charlotte. She should...b-be here. Since, she's the Mafia Queen", mahinang banggit ni Anastasia.

"Gregg said na may check up ngayon ang Queen. That's why wala siya dito", kalmadong sagot ni Thomas at muling tumingin sa laptop niya.

"Check up? Tss.. Ano bang sakit nun?" inis na tanong ni Anastasia.

"Malay ko. And please.. Wag ka nga mangialam sa buhay ng iba", inis na tugon ni Thomas. Napatawa na lang si Evan at Herbert dahil doon.

Kahit kailan ay laging masungit itong si Anastasia. Hindi ko sila pinakialamanan.

"We're here..." biglang banggit ni Dylan at agad kaming nagsibabaan.

This is the building of the Xye Company. Pumasok kami sa loob at tinungo ang 9th floor kung saan magaganap ang transaction.

"Good morning, Mr. Vaughn", salubong sa amin ng batang Xye. Siya ang Mafia Prince, si Ellis Xye.

"Andito na pala ang Vaughn Mafia. Welcome sa company namin", biglang sulpot ni Mr. Dominick Xye. Ang kanilang Mafia Boss.

"Can we proceed now sa transaction?" tanong ko at pinapunta kami sa isang room dito.

Laverne's POV:

"Ito na ba yun?" tanong ko kay Chloe pagkababa namin ng sasakyan niya.

"Yes,dear. This is the Xye Company", rinig kong sagot niya.

Naglakad na siya kaya hinila ko ang braso niya.

"Are you insane? Papasok tayo sa entrance ng ganun-ganun lang? Mahigpit ang security dito", paalala ko sa kanya.

"Don't worry. Para namang hindi mo alam ang tactic ko pagdating sa mga gantong bagay", mapanukso nitong sabi sabay kindat kaya inirapan ko siya.

Sabay kaming naglakad at nauuna siya. Feel na feel niya ang mala-model niyang paglalakad kaya pinagtitinginan na siya ng mga tao.

Nang nasa tapat na kami ng pinto ng building ay agad kaming tiningnan ng dalawang guard.

"Anong kailangan niyo sa loob?" tanong nito.

"May appointment kami sa mga Xye",tugon ko.

"Wala pong pwedeng papasukin dito. Nasa loob na po ang guest ni Mr.Xye sa araw na ito", sagot nito na ikinainit ng ulo ko.

Bigla namang umakbay sakin si Chloe.

"Let me handle this", bulong niya sa akin.

"Oh, really? Pero kailangan din namin si Mr.Xye ngayon", mapanuksong sabi ni Chloe at pumulupot pa sa kamay ng guard. Nakita kong namula ang guard kaya napaismid ako at tinalikuran sila.

Peste! Nakakasuka talaga ang taktika ni Nightmare.

"Ah..P-pero maam... Sino po ba kayo?" tanong ng guard.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα