Chapter 25: Obvious feelings

4.9K 127 1
                                    

Someone's POV:

Napangisi ako dahil sa nangyari. Kitang-kita ko kung gaano kagaling ang Vaughn Mafia Queen.

You never fail to impress me, Zachary... Mukhang mahihirapan akong makuha ang Queen mo.

Just wait some other time. Makikilala ko rin kung sino ang nasa likod ng maskara ng Vaughn Queen.

I want to meet her soon....

Sammy's POV:

"She's really a demon..." banggit ko nang masaksihan ko kung ano na naman ang ipinamalas ni Laverne.

Isinekreto ko kina Chloe ang pagpunta ko dito. Hindi ako mapalagay kapag hindi ko masiguro na ligtas si Laverne.

Nandito lang ako sa isang gilid at nakita ko lahat ng mga naganap. Nakita ko rin kanina kung paanong marahas na hilain ni Zachary ang braso ni Laverne.

That fucking guy! How dare he is!

Nang masiguro kong nakaalis na ang Vaughn Mafia ay mabilis din akong sumunod na umalis.

Na-track ko kung nasaan si Chloe kaya mabilis kong sinundan ang kotse niya. Nakarating ako sa isang hotel at mabilis na sinundan kung saan patungo si Chloe. Alam ko naman kasing dito rin magpupunta si Laverne matapos ang ginawa niya sa Grand Ball.

Matapos malaman kung saang room siya nag check in ay bumalik ako sa kotse. Mamaya na ako pupunta roon dahil gusto ko munang mag relax.

Nakatitig lang ako sa harapan ng kotse at pilit inaalis ang nasa isip ko. Muling bumabalik sa akin kung paano mang gigil si Laverne nang baliin niya ang mga leeg ng mga lalaking sumalubong sa kanya mula sa glass room.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil doon.

Chloe's POV:

Pagkarating sa hotel ay nagmadali akong maka akyat sa room ko at agad binuksan ang pinto. Hihihihi, excited na kong makita si Death.

Napanganga na lang ako nang maabutang nasa loob na si Death at nakangising naghihintay sa akin.

"Yo!" bati niya sa akin sabay hagis ng unan sa mukha ko.

"Ang bilis mo naman makarating dito, Death." reklamo ko sa kanya sabay lapag ng mga pinamili ko.

"Tsk. Talagang mauuna ako dahil alam kong huminto ka pa para bumili niyan", nakangiwi niyang sabi at itinuro ang mga pinamili ko.

"Haayyss, by the way, ang cool mo kanina hihihihi. Kaya love na love kita ihh", sabi ko sa kanya sabay yakap.

Inis niyang tinanggal ang kamay ko kaya napanguso na lang ako.

"Tsk. You're too clingy, Nightmare!" reklamo niya kaya napaupo na lang ako sa kama.

Bigla siyang napatayo at ngayon ko lang napansing naka gown pa rin siya at naka mask. Nagpunta siya sa salamin na nandito saka hinubad ang half-mask niya.

"Ihhh, you're so pretty, Charlotte!" masaya ko sa kanyang sabi.

"I'm not Charlotte, you Nightmare", irap niya sa akin.

"Whatever. Si Charlotte ka ngayon diba? Why not take off that fake face para di na kita tawaging Charlotte?" suggest ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba ay gustong-gusto kong isuot ito?"inis niyang tanong sabay tanggal ng fake face niya.

Irita niyang hinaplos ang mukha niya.

Tinawag ko siya kaya nang lumingon siya sa akin ay lalo akong ngumiti.

"What's with that creepy smile?" tanong niya.

"Hihihihi.. Nothing. Mas bagay pala ang gown na yan kapag tinanggal mo ang fake face na yun. Now, you are the one and only Sweet Death." masaya kong sabi at umupo na rin siya sa kama katabi ko.

Biglang nagbukas ang pinto at nagulat kami sa mukha ni Sammy.

"SAMMY?" sabay naming sabi ni Death. Napatingin siya agad kay Laverne at nahuli kong namula siya pero agad niyang iniwas ang mukha niya sa amin. Yiiieee... Kinikilig na naman ako..

Tiningnan ko si Death at gayon na lang ang pagkadismaya ko dahil mukhang hindi niya nakita na nag blush si Sammy.

"Why are you here, Sammy?" biglang tanong ni Death.

"E-eh? N-nothing", utal na sagot ni Sammy.

"Akala ko ba hindi kayo sasama papunta dito?" tanong ulit niya at masama akong tiningnan.

"Ahh?! Kasi sinabi ni Sammy na kailangan kitang bantayan", pagdadahilan ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Sammy.

"Bantayan?" tanong ni Death at napatingin kay Sammy.

"Ahhmm, Ibig niyang sabihin, gusto kong pamatyagan sa kanya ang mangyayari sa Grand Ball na yun", pagdepensa ni Sammy kaya napailing na lang ako.

"So, Bakit ka naman nandito?" tanong ni Death kay Sammy.

"I'm here for some other business stuffs", pagdadahilan ni Sammy kaya natawa ako.

"Liar..." pang-aasar ko sa kanya kaya takang tumingin sa amin si Death.

"Hindi pa ba halata? Syempre----" bigla na lang tinakpan ni Sammy ang bibig ko kaya inis ko siyang tiningnan.

"Fine! Fine!! PUMUNTA AKO DITO KASI CONCERN AKO! H-HINDI AKO MAPALAGAY KAPAG HINDI AKO SUMUNOD SAYO..." biglang sigaw ni Sammy at ngayon ay halatang-halata na namumula siya. Pffftt..

"Hahahahaha, your face is too priceless! You're so obvious, Sammy!" natatawa kong sabi kaya napatalikod si Sammy.

Gulat na napatingin sa kanya si Laverne at maya-maya ay napatawa na rin.

"Bakit ka naman sumisigaw dyan, Sammy?" natatawang sabi ni Death.

Napaharap si Sammy sa amin at nagulat ako nang bigla niyang yakapin nang mahigpit si Death.

----------------------------------------
Note: This is an edited version of SYAMT.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now