Chapter 7: Finally, I Fell... (Literally XD)

134 7 7
                                    

After isauli ni Eunhyuk yung cellphone ko, hindi ko alam pero may naramdaman akong something. Hindi ko pa ma-explain sa ngayon, pero it seems like na yung something na yun ay pinipigilan akong ituloy yung planong paghihiganti ko sa kanya.

"Hey! Tuloy na natin 'to. Ilang araw na lang..." sabay hila sa ain ni Eunhyuk patayo sa long chair na inuupuan ko.

Hindi ko alam kung kelan nagsimula yung ganito eh. Pero parang nagiging intimate yung pakikitungo namin sa isa't isa.

Well, hindi naman siguro intimate yung tamang term, siguro super close lang. Yung close kasi magpartner kami. I don't know if it's just my imagination or assuming lang talaga ako pero... Ah! Ewan, hindi ko na ma-explain.

"Ah... okay..." sagot ko.

Ayun, ginawa na namin yung new dance steps na napag-usapan namin nung isang gabi. Hindi na naman umattend ng practice si Donghae eh. Lagi kaming dalawa iniiwan, saka na lang daw siya magpa-practice kapag buo na yung sayaw. Ang tigas talaga ng ulo nun. Well, madali lang naman niyang mage-gets yung dance steps kapag tinuro sa kanya. Hay naku!

"Bakit parang naiilang ka sa akin?" tanong ni Eunhyuk habang magkakapit kami ng kamay dahil dun sa dance step.

"H-ha?" tumingin ako sa kanya gamit yung malaking salamin sa harapan ko, pero nagulat ako nung nakita ko rin siyang nakatingin sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

Shet! Di ko kinaya yun ah... Parang aatakihin ako sa puso. Bakit ganun?

"See. Naiilang ka nga sa akin!" tinuro niya ako tapos pinatay niya yung music player. "Ano bang problema?"

"W-wala..." tapos tumungo ako. Ayokong makita niya yung mukha ko. Feeling ko kasi namumula yung mukha ko sa hindi malamang dahilan. "Magsi-CR lang ako sandali..." dagdag ko tapos mabilis na lumabas sa practice room.

Pagpasok ko sa CR, agad kong kinapitan yugn dibdib ko. Parang sasabog na kasi yun sa sobrang lakas ng tunog. Sobrang nabibingin na nga ako kanina dahil doon. Siguro kung nagtagal pa ako doon sa practice room ay hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin.

"Bakit ganito? Ano nga bang problema? When did I start feeling this way? Hindi dapat ganito eh... Hindi dapat..." kausap ko sarili ko sa harap ng salamin.

"Hala! Ano yan ah... Yiiiieeeh!"

 

"Eeeeeh~! Sinasabi ko na nga ba..."

Nagulat ako kasi may dalawang nagsalita sa may gilid. Tapos pagtingin ko, sina Joonhee at si Sunhi pala iyon. Magkasama sila.

"Eh? Anong ginagawa nyo dyan?" pagbabago ko ng topic

"Wushu~ binabago mo lang yung usapan eh… Sino yung tinutukoy mo ha?" tanong ni Joonhee

Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*Where stories live. Discover now