Chapter 42 - Undressed (September 25, 2018)

Start from the beginning
                                    

Pero ang matinding problema ni Miala ay dumating na. Saktong dumating din si Mindy at naabutan ang nakahubad na si Andres.

"Oh Jesus. Who are you?!" Tanong ni Mindy kay Andres.

"Andres." He calmly replies.

"Undress?" Ulit ni Mindy kaya hindi na talag mapigilang mapabunghalit ng tawa.

"Andres po. Andres." Pagka-clarify ni Miala habang nagkakadaiyak na siya sa kakatawa. Hindi niya alam na magiging masaya and light lang naman pala ang pagbabalik niya sa bahay.

"Bakit siya nakahubad?"

"You have to thank your sister for that." Ani Andres.

It took a while before Mindy realize na siya ang kinakausap nito at si Miala ang sinasabi ng lalaking nakahubad na "sister" daw niya.

"H-ha? Do I look like her sister?"

Lumaki na lang ang mata ni Miala. This guy clearly has so much charm kahit ang nanay niya niloloko nito.

"Bakit hindi ba?"

"Mia is my daughter."

"Oh. Wow."

Ngayon lang yata hindi nagalit si Mindy na hindi siya ginalang.

Si Lenard, wala na lang nagawa kundi ang tumingin.

"Ah, ma. Natapunan ko kasi siya ng milk tea. Eh may battle of the bands pa daw siya mamaya. Kailangan 'tong t-shirt na 'to." Halos si Miala pa ang nagpaalala na nakahubad pa rin pala hanggang ngayon ang lalaki. "Eh kailangan daw handwash kasi silk.

"Silk 'yan?" Hindi makapaniwala si Lenard.

"Oh siya. Sige na. Sige na. Bilisan mo at labhan mo na 'yan Mia. Kung kailangan niya ng t-shirt eh ikaw naman pala ang may kasalanan eh."

"Okay. Okay." Tumakbo na si Miala sa Laundry Area at dahan-dahang nilubog lang sa isang plangganang may sabon ang damit. Pinakaingat-ingatan niya ito.

"Bakit hindi ka kaya magtakip." Sabi ni Lenard nang maiwan ang dalawa sa sala.

"Oh. Would you offer your clothes for me?" Sagot ni Andres.

Hindi sumagot si Lenard. Kumuha na lang siya ng isang tuwalya at binato dito.

"How is my shirt?!" Maya-maya ay biglang sumigaw na lang si Andres.

"Wait lang!!!" Sigaw naman ni Mia mula sa laundry area. "Saglit na lang po, senyorito."

"Pakibilis. Magsstart na eh!"

Hindi na naman mapigilan ni Lenard na mapa-comment.

"Hindi mo katulong si Mia."

"At... hindi mo rin siya girlfriend?"

"W-what the hell are you talking about?"

Pero dumating na rin si Miala kasama ang bagong tuyong damit nito.

"Silk ba talaga 'to? O pinagtripan mo lang ako?" Humahangos na sabi ni Miala.

Itinaas ni Andres ang kamay nito.

"Aba. Susuotan pa ba kita ng damit dito? Ano ka young master?"

"Pota, masama na pala mag-inat dito."

Tawang-tawa na naman si Miala na ikinagulat ni Lenard. Hindi nito maintindihan kung bakit parang gustong-gusto ni Mia na iniinsulto siya ng lalaking ito.

At isa lang ito sa mga hindi niya maintindihan. Hindi niya alam kung bakit parang close na close na ang dalawang ito. Ang huling natatandaan niya ay ang--- halik.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now