Chapter 42 - Undressed (September 25, 2018)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wow. You didn't forget about me huh." Alam niyang pinatatamaan lang siya nito dahil hindi siya nagrereply.

"Sorry na po."

"Your sorry won't fix my shirt."

"Hindi naman nasira ah!"

"But, I'm gonna use this for today, young lady!" Parang naiirita talaga si Andres.

"Huh? Kabaduy ng damit, saan mo gagamitin 'yan?"

"Battle of the bands." Turo niya sa BOTB na nakalagay sa dibdib nito.

"Oh. Eh 'di sige. Ako na walang alam sa abbreviation ng battle of the bands." Pero ang totoo, natatawa talaga siya sa design ng damit nito. Parang kahit siya na walang alam sa photo editors ay mas makakabuo pa ng mas magagandang t-shirt.

"Labhan mo 'to."

"Anong labahan?"

"Gagamitin ko 'to mamaya eh."

"Pa-dry clean na lang natin."

"Are you thick or what? Kita mong silk 'to."

"Pfft! Silk pa 'yan?" Tawang-tawa si Miala.

"Putragis!"

"Hahahahaha!"

"Bakit mo ba ako tinatawanan? Hindi ka ba natatakot sa'kin?"

Umiling si Miala. Ang totoo, hindi naman talaga. And she still didn't know why. Nakakirita ang sarcasm nito at kung tutuusin parang lagi pa siyang iniinsulto. But that's what it makes it a thousand times more funny.

She loves sarcastic people with large vocabularies. They seem really intelligent and funny.

"Sige na nga, labhan ko na 'yan. Kaawa naman this puppy."

"Anong puppy ka diyan. Labhan mo 'to. Hawak ko pamilya mo."

"Putek ka! Haha! Oo na nga lalabhan ko na nga. Senyorito."

And Miala didn't realize that she is actually leading Andres sa bahay ni Sonny. Hindi niya man lang naisip na pwede rin naman sa bahay nila Jane. But she guessed it was her subconscious that tells her na wag na siyang mangabala.

Hindi niya na naisip na may iniiwasan nga rin pala siya dito sa kanila.

"Uhm. Okay. Sige ikukuha lang kita ng twal— WOAH!" Ni hindi man lang siya nito tinapos magsalita. Hinubad na ni Andres ang puchu-puchung t-shirt na punong-puno ng milk tea.

"Bilis. Taragis. Kailangan ko talaga 'yan. Costume naming MCdodo 'yan eh."

Hindi maiwasan ni Miala na mapatingin naman sa kung saan nito as he says his band name.

"Oh my god. Oh my god."

"Namumula ka na naman diyan. Bakit. Naconscious ka sa dodo?" Andres verbalizes what she is thinking.

Dito naman saktong dadating si Lenard.

He is surprised to actually see Miala back, pero hindi niya inaasahang may makikita siyang nakahubad baro na lalaki habang nasa harap ng namumulang si Miala.

"Ano 'to?"

"Dodo?" Andres said. Alam niyang nagbibiro lang ito. Inaasar siya.

"Gago ka talaga!"

"WHAT?!" Hindi maintindihan ni Lenard ang nangyayari.

"Wala."

"MIA!" Nilakasan na ni Lenard ang boses nito.

Tinignan niya na lang si Lenard ng masama. Palibhasa, madumi ang utak nito kaya kung ano-anong naiisip nito.

Pero hindi niya na lang pinatulan

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon