Chapter 26: OFFENSE

Start from the beginning
                                    

“I wonder how many secrets you are hiding, Lyra” saka umalis si Cly sa kabilang direksyon na tinahak ni Conrad.

CALEB POV

Dahan-dahan akong bumaba papuntang kusina para kumuha ng pagkain at inumin. Wala si Kneel pero iba parin ang pakiramdam ko.

Ano bang kalokohan ito? Tumatakas ako at nagtatago sa sarili kong pamamahay…

Hindi ko pa natatawagan si Lyra hanggang ngayon, hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya. Iba rin kasi ang takbo ng utak ng babaeng yun, kung ano pa yung delikado at nakakamatay, yun pa talaga ang gagawin nya sa halip na iwasan.

Kumuha lang ako ng bottle water at tinapay sa ref at mabilis na lumbas ng bahay. Wala sa akin ang susi ng sasakyan ko kaya no choice ako kung hindi ang magcommute, dumetretsyo na ako sa bahay nya…

Kung wala sya doon, siguro naman alam nina Christine kung nasaan sya. Hanggang ngayon kasi, wala paring progress sa kaso ni Genesis.

Nasa tapat palang ako ng pintuan ng bahay nya ay rinig na rinig ko na ang malakas na sigawan at ingay sa loob. Pamilyar ang boses nila at isang bagay lang ang naiisip ko.

“Tao po, papasok na po ako”

Lahat sila ay natahimik at tumingin sa akin ng makapasok ako sa may sala. Tama nga ang hinala ko, naandito ang Death Monarch pati si Amber at si Christine pero wala yung isang lalaki na napagtripan ko noon.

“Caleb!”

Nabigla naman ako sa biglang pagsigaw ni Klio, para syang nanalo sa loto. Tumango lang naman si Amber bilang pagsang-ayon…

“Ah… ayokong maging kumpare si Caleb…” at parang batang nagdadabog si Pierre sa sahig.

Kumpare? Tumingin ako kay Amber at ngumiti ito sa akin. Kung ganun buntis sya at isa pa ako sa mga napiling ninong sa anak nila…

Pwede bang tumanggi?

“Caleb, bawal tumanggi…”

Saka ako tinitigan ni Christine habang taas baba ang kilay nito. Si Lyra ang pinunta ko dito pero di ko inaasahan na ito ang maaabutan ko.

Knowing na naandito ang Death Monarch at si Klio, isang bagay lang ang naiisip ko.

“Klio…”

“Kung si Lyra ang hinahanap mo, wala sya dito…”

Ito na nga ba ang sinasabi ko, maingat si Klio sa mga salita nya lalo na pagdating kay Lyra kaya sigurado ako na may nadulas sa isa sa mga ito at kung tama ang pagkakakilala ko sa kanila…

Si Pierre ang may madaldal na dila.

“You should go and comfort her like what you’ve always do…”

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now