Dati lagi kaming pinagkakamalan na magkarelasyon pero ngayon may ipinapakilala na syang boyfriend sa kahit na kanino.


























Fvckshit!!!!!!














Parang nagiinit na yung mata ko kaya nagpaalam nako sakanila.








"Anyways pasok nako ha? Magaunpack pa kasi ako ng gamit. Enjoy your stay." Malimit akong ngumiti at tumalikod na papasok.











Sinulyapan ko ng mabilis si Elai pero tinanguan lang nya ako.


























Gago ka ba Josh?! Anong gusto mo? Pakisamahan ka parin nya tulad ng dati? Syempre hindi na!!

















Bukod sa nireject mo yung feelings nya, sinaktan mo pa sya ng sobra.














At ngayon may nagpapasaya at nagmamahal na sakanyang iba, MAGTIIS KA!!




















Pagkasarang pagkasara ng pintuan ay bumuhos na ang mga luha sa mata ko. Mabuti nalang nakisama sila at hindi nagpakita kay Elai.











Ang sakit pala.

















Ang sakit talaga.

















Mas masakit parin kapag nakita mo na kesa sa iniisip mo palang.

















Nangatog yung mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.

















Pilit na bumabalik sa isip ko yung ngiti nya kanina.











Yung paghawak nya sa kamay nung boyfriend nya.








Yung mga tingin nya kay John.














Na dating ginagawa nya rin sakin pero hindi ko pinansin.








Winalang bahala ko lang. Na akala ko maaantay at matitiis nya pa ako hanggang sa maging ready ako sa commitment.














Natakot lang ako.











Ang mama ko kasi iniwan ang papa ko at sumama sa ibang lalake.








Ganoon din ang ginawa ng nobya ni kuya.








Engaged na sila kaya lang hindi natuloy yung kasal kasi nabuntis sya ng ibang lalake.











Pasensya na. Grabeng takot lang yung pinagdaanan ko na baka mangyari din sakin yon kaya hindi ako nagseryoso.

















Na sa pagiging busy kong makipaglaro at paghahanda sa sarili hindi ko alam na may taong nasasaktan na pala ako.











I took her for granted.











At hindi ko alam kung mapapatawad nya pa ako.














Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon