Whooooooooooo!











Sakit nila sa mata titigan.











Akala ko pag nagsolo ako magouting marerelax ako kahit papaano.








Pero napakagago talaga ni tadhana. Kasi ipinagtagpo nanaman nya kami ni Elai. At ang masaklap pa rito, kasama nya yung taong mahal nya.











Gusto ko mang umiwas pero ang liit lang ng islang to para hindi kami magkita.














Papunta na sila sa kung saan ako nakastay. Tangina tabi pa yata kami ng villa.














*FACE PALM*














"ATEEEEEEEEE! Si Josh ohhhh!!" Sigaw nung pinsan nyang lalake na sa tingin ko si Tristan. Nakikilala pa naman pala nila ako.








Napangiti ako ng mapait ng magtama yung mga mata namin. Ang tagal rin naming hindi nagkita. Nagkausap. Namimiss ko na sya ng sobra. Pero hindi na dapat.





Kasi hindi na pwede.











"J-josh..." Pautal nyang bati sakin ng makalapit sila.











"T-t-to-l-l" Tangina! Mas nautal ako. Napakuyom ako ng palad.












"A-anong ginag-gawa mo d-dito?" Pinipilit nyang makapagsalita ng maayos.








"A-ahh! Bakasyon. Kayo?" Pero mas pinilit kong makipagusap ng maayos.








"Ahhm outing lang din. N-nagaya kasi si John." Sagot nya, naagaw ang atensyon ko sa kamay nilang magkahawak.








TANGINA!!








"By the way, babe this is Josh my friend. Josh this is John my boyfriend." Nakangiti na nyang sabi atsaka umakap sa lalake.








B A B E








PUTANGINA!!








Para akong sinaksak ng walang kalaban laban.








"Nice to meet you bro." Pakikipagshakehands naman nung John. Aaminin ko sobrang sakit pero kailangan kong tiisin. Kinuha ko yung kamay nya at nagshakehands kami.








Kahit pa gusto kong pilayan yung kamay netong kupal na to pero wala e.





Tangina dapat kasi ako yung nasa posisyon nya. At dahil nga gago ako noon hanggang ngayn, kaya heto.





Lasapin ko lahat ng sakit at karma ni tadhana.








"Nice to meet you." Walang ekspresyon kong bati.





"Katabi pala namin kayo ng villa e." Nakangiti namang sabi sakin nung pinsan nyang babae na kung hindi ako nagkakamali ay si Tine.














Madalas kasi syang makwento sakin ni Elai dati.




















Dati.




















Bestfriends (COMPLETED)Where stories live. Discover now