105

814 32 59
                                    

Jaemin's POV

Maaga ako nagising ngayon dahil miss na miss ko na si chae.

Tiningnan ko yung huling message niya saakin, yung address nung bahay nung lola niya.

Parang familiar tong address na to eh, parang napuntahan ko na to dati.

Possible kayang...?

Ewan. Hindi ko alam.

Naalala ko tuloy yung huling sanabi saakin ni Cathy.

"Si Aeyi Jung? Hindi mo talaga siya maalala? siya yung taong hindi mo ineexpect na kilala mo. Malay mo kausap mo na pala siya ngayon diba? Hahaha! Joke! Pero ayon. Goodluck sayo."

See! So ibigsabihin matagal na niyang kilala kung sino man si aeyi!

Aeyi? Aeyi Jung? Baka kamag-anak nga niya si Chaehee kasi jung din siya?

Hay ewan ko! Basta kung sino man yang aeyi na yan, Si chaehee padin talaga.

Hindi ko alam bakit naliligaw ako sa lugar na to kahit sobrang familiar nito saakin..

Ano ba talaga??

xxx

Chaehee's POV

Mag pinsan kami ni Cathy, Oo. Pero hindi ko talaga maintindihan bakit sobrang laki ng galit niya saakin.

Gusto niya daw si Jaemin so? Ano? Ako mag-aadjust? Bakit gusto ba siya? Joke! Okay ang sama ko na talaga.

Eto napapala ng pagsama ko kay Renjun eh! HAHAHAHA joke ulit!

Mabait naman si Renjun eh! May girlfriend na nga yon eh!

Ooops! Joke lang ulit?

Pero ayun nga kasi diba dito ako natulog sa bahay ni lola kagabi tas bago ako matulog tumawag saakin si Cathy. Kung ano-ano pinagsasabi niya saakin blah blah blah ganon pero eto talaga sa dami ng sinasabi niya eto lang naalala ko.

"Swerte ka talaga Chaehee dahil madaming nagmamahal sayo. Kahit nga yung first puppy love mo, mahal ka pa din hanggang ngayon. Kaya ayoko sayo eh, ikaw na lang lagi."

Magsasalita pa dapat ako pagkatapos niyang sabihin yon kaso bigla niyang inend na yung call! Sama talaga ng ugali kahit kailan!! Pero kahit ganyan yung pinsan ko, love ko padin siya hindi ko alam kung bakit):

"Ae!! Bumaba ka na, magbreakfast na tayo." Sigaw ni lola na mukhang kakatapos lang magluto.

"Opo la! Pababa na po ako diyan!"

Bakit nga ba Ae ang tawag sakin ni lola?? Matanong nga mamaya

Bumaba na ako at nakita ko si lola na hinihintay niya ako para sabay kaming kumain.

Mukhang ang daming niluto ni lola ah? Ano kayang meron?

"Kumain ka na Ae, pag dito ka talaga sa bahay namin tataba ka." Sabi ni lola at ngumiti

"La, bakit po ae ang tawag niyo saakin?" Curious na tanong ko

"Ano ka ba, siyempre nickname mo yun nung baby ka pa! Ae ; short for chAEhee. Hindi mo kasi mabigkas yung pangalan mo dati kaya pag tinatanong ka kung anong pangalan mo, ang sinasabi mo lagi 'aeyi jung'." Natatawang sabi ni lola

Teka ano daw??

Aeyi Jung??? Ha???!?!?!?!?

WHAAAAAAAT?!?!

"Talaga po la? Pero sino po si Aeyi Jung?" Kinakabahang tanong ko sakanya

"Ano ka ba! Siyempre ikaw yun! Kakasabi ko lang nga eh, ano ka ba? Nabibingi ka na ba apo? Wag ka kasing mag-earphones na malakas ang volume okay?"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni lola!

So uhm coincidence lang naman to diba??

So what kung Aeyi Jung din pala ang pangalan ko? Bakit?!?!?

Teka ano ba talaga?!?

I'm so confuuuuuuused!!!

"Ae, kumain ka na diyan. Hindi ba't sabi mo may bisita ka pa na darating dito?" Tanong ni lola at tumango na lang ako

Kasi hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko!!

Bakit hindi ko alam?!?!?

"Uhm lola, may mga diary po ba ako dati sa kwarto ko? Or may mga sinusulat po ba akong letters sa future self ko noon?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hay nako apo! Ang dami mong tanong! Hindi ka pa nga kumakain eh." Medyo naiinis nang sabi ni lola kaya napasimangot ako.

"Hanapin mo na lang sa kwarto mo after mong kumain okay? Sige na kumain ka na diyan." Sabi ni lola at nagpatuloy na sa pag-kain.

×××

3rd Person POV

Hindi alam ni Chaehee kung bakit pero sobrang nacurious siya kung maytinatago ba siyang mga letters sa future self niya noon. Hindi na kasi maalala ni chaehee yung childhood niya. Kinakabahan si Chaehee dahil natatakot siya kung anong magiging reaction nila jaemin pag nalaman niyang siya si Aeyi Jung? Pero ang tanong siya nga ba talaga si Aeyi?

Sa sobrang busy ni Chaehee hindi niya namalayan na nagtext na si Jaemin na nandiyan na siya.

"Ae!! May bisita ka na dito!! Naku! Matutuwa ka kasi nandito ung kras mo nung bata ka!" Sigaw ng kanyang lola

"Teka lang po la!! May hinahanap pa po ako!!" Sigaw ni Chaehee habang busy padin sa paghahanap ng kung ano-ano

May nahanap si Chaehee na box na puno ng alikabok at mukhang lumang luma na ito. Binuksan niya at nagulat siya sa nakita niya.

Mga letters niya sa sarili niya at may mga pictures yung box na iyon.

"Dear paper,

Grabe eto na yung huling araw ko dito sa bahay nila lola, hindi ko na ulit makikita yung crush kong si Nana. Sana maalala ko padin siya hanggang sa pagtanda ko. Sobrang nasasad din ako kasi matagal ko na ulit bago makita si lola.

Love, ae."

Sobrang nagugulahan na talaga si Chaehee. Ang daming tanong sa isipan niya ngayon tulad ng 'sino si nana at ae?' 'sino ba talaga si aeyi?' 'Kapatid ko ba si aeyi?' 'Totoo kaya yung sinabi ni la?'

May nakita si chaehee na picture kaso punit na picture siya at nagulat siya kasi yung lalaking nasa punit na picture ay walang iba kung hindi si Jaemin!!!

"Aeyi!! Bumaba ka na diyan!! Pag hindi ka pa bumaba diyan hihilahin kita papunta dito sige!" Naiinis na sigaw ng lola ni chaehee

Sa sobrang shook ni chaehee bigla siyang lumabas sa kwarto niya at pumunta na sa baba

"Hay salamat naman at bumaba ka na ae, alam mo ba kanina pa naghihintay sayo si nana? Ikaw talagang bata ka." Sabi ni lola at umiling

'Nana?' Naisip ni Chaehee at nakita niya si Jaemin na nakatingin sakanya

"So i-ikaw nga si Aeyi?" tanong ni Jaemin

"At ikaw s-si nana?" Tanong din ni Chaehee

C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon