89

817 31 27
                                    

Chaehee's POV

"Haaay finally! Makakasama na din natin si Chaehee! Si jaemin kasi laging kasama." Sabi ni Mae at pinapasok na kami sa loob ng bahay nila Kaitlyn.

"Hindi naman!" Sabi ko sakanya at inirapan niya lang ako!

"Si Mark hyung?" Tanong ni Jaemin kay Mae

"Nasa bahay nila chenle. Nagpaplano sila mag grocery shopping." Sabi niya at umirap ulit?!?! Tumango na lang si jaemin sakanya

"Nasaan si Kaitlyn? Bakit nandito ka nakatambay sa bahay nila??" Tanong ko sakanya

"Nasa taas, tulog pa. Ayaw bumangon eh, inaantok pa daw. At excuse me ha! Kami kaya nagplano nito. Siyempre team chㅡ" hindi natapos ni mae yung sasabihin niya dahil biglang dumating si Haechan

"Chaeheeeeee!" Sabi ni haechan nung makita niya ako at nginitian ko lang siya

"Ay sige. Hindi ako pinatapos." Inis na sabi ni Maerri

"Uy Jaemin, tara doon tayo kila chenle." Sabi ni Haechan at hinila agad si Jaemin palabas ng bahay.

"Si sammy?" Tanong ko sakanya kaso sinamaan lang ako ng tingin!

Seryoso! Ano bang problema nitong babaeng to?!?

"Ayun, nag eemote ang bruha. Nasa bahay nila. Susunod na lang daw siya." Sabi niya at tumango na lang ako.

"Anong meron sainyo ni Jaemin? Kayo na ba? Kailan pa? Bakit hindi namin alam? Hoy ano? Sumagot ka!" Sunod sunod na tanong niya!

Hala?!?

"Ano?? Ano bang pinagsasabi mo Mae? Okay ka lang ba?"

"Hoy bruha bakit hindi mo sinasagot mga tanong ko?! Iniiwasan mo ba dahil kayo na talaga?!" Inis na sabi niya

"Ewan ko sayo mae. Kung ano-ano talaga pinagsasabi mo." Sabi ko at umakyat papunta sa guest room nila kaitlyn.

Bahala siya sa buhay niya dahil inaantok ako!!

Ang aga aga pa eh! Tapos may pa-movie marathon pa sila.

Sarap pa naman matulog umuulan eh!

×××

"Chaeheeeeee! Gumising ka na diyan!!"

"Chaeheeeeee hoy bumangon ka na diyan!!"

"Chae chae chae chaeeeeeeee!! Magla-lunch na tayo!!!"

"Chaeheeee!!! Bahala ka hindi ka na mahal ni jaemin!!!"

"Hoy bruha!!!"

Nagising ako dahil napakaingay ng gumising saakin. Bwiset sabunutan ba naman ako?!?!

"Hay salamat! Nagising na din ang tulog mantikang prinsesa! Bumaba ka na doon! Hmp!" Sabi ni Maerri at binagsakan ako ng pinto

Ano bang problema ni mae? Ginawa ko sakanya?

Ang lakas ng trip nito grabe ah! May galit kaya saakin si Maerri?

Bahala na nga!

Matutulog na lang ulit ako! Inaantok pa talaga ako. Wala pa ako sa tamang pag-iisip.

C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon