75

948 47 16
                                    

Chaehee's POV

Nandito na kami sa tapat ng bahay ni Jaemin. Jusko hindi ko alam kung ano pumasok sa isip nitong dalawa at tinakbo namin to galing sa school!

"Tara!" Sabi ni Haechan at hinila ako papunta sa sala nila Jaemin

"Wala bang tao? Asan parents niya??" Tanong ko

"Busy sa Work. Okay lang yan. Sinabi ko naman kay tita na pupunta tayo." Sabi ni Haechan

"Tama na chika! Tara kamustahin na natin si Jaemin!" Sabi ni Mae

Pumunta kami sa tapat ng room ni Jaemin at kumatok lang ako kaso eto naman si haechan masyadong feel na feel at home! Binuksan agad yung pintuan!

"Jaaaaaemin!!!" sigaw ni Haechan at Mae!

Jusko naman! Nagpapahinga yung tao eh!

Nakita ko si jaemin nagtago lang sa loob ng kumot. Siguro naingayan sa dalawang to!

Nagulat ako bigla na lang ako hinila ni Mae at tinulak!

Anak ng patola?!?!?

"Chae, alagaan mo si jaemin para saamin ha! May long test din kasi kami ngayon! Magkaklase kami ni Maerri sa subject na yon eh!" Sabi ni Haechan at nagmamadaling umalis at hinila si mae paalis na ng room!

Putek?!? Anong trip ng mga to?!?

Lumapit naman ako kay jaemin at umupo sa may upuan malapit sa kama niya.

"Uy jaemin, kamusta ka na?" Tanong ko sakanya pero mukhang hindi niya at ako narinig.

"Chae, okay lang. Pwede ka na umuwi. Alam ko naman na ayaw mo nagka-cutting class eh." Sabi ni Jaemin at ramdam na ramdam mo yung lungkot sa bawat salita niya.

"Ano ka ba? Okay lang." Sabi ko sakanya at bigla siyang umupo

"Chae, okay lang talaga." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko

Eto nanaman tayo sa eye contact eh!?!

Di ko siya pinansin at chineck ko yung temperature niya. Ang init niya grabe! I mean 41°?!?!? Ba naman temperature mo jusko.

"Ang taas ng lagnat mo Jaemin!" Sabi ko sakanya at napatakip siya ng tenga.

"Oo nga chae, wag ka na maingay." Sabi niya at humiga ulit.

"Uminom ka na ba ng gamot? Kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko sakanya

"Hindi pa.." sabi niya

"Ano?! Bakit hindi pa?! Kaya siguro hindi ka pa gumagaling eh!" Inis na sabi ko sakanya

"Lulutuan kita ng soup!" Sabi ko kaso naalala ko di ko alam kung nasaan yung kitchen nila.."uhm jaemin saan nga ba kitchen niyo dito? Pwede mo ba kong samahan?" Tanong ko sakanya at natawa naman siya ng mahina

"Ang cute mo talaga chae." Sabi niya at tumayo na para samahan ako magluto sa kusina nila

×××

"Jaemin! Uminom ka na kasi ng gamot!" Inis na sabi ko.

Kanina pa kasi kami natapos kumain at ngayon pinapainom ko na siya ng gamot kaso ayaw niyang uminom! Paano siya gagaling diba?!?

"Ayaw ko nga kasi Chae!! Mapait!!" Sabi niya at nagtago sa loob ng kumot

"Iinom ka naman ng tubig!! Hindi mo naman malalasahan!" Grabe kanina pa talaga ako naiinis dito kay jaemin ha!

"Ayokooooo pa din talaga chaeee!!" Ang kulit talaga nito!! Grabe nakakainis na talaga

"Dali na kasi Jaemin para makapagpahinga ka na!!" Sabi ko sakanya

"Sige na nga. Basta magpromise ka saakin." Sabi niya at damang dama ko ang pagsuko niya

"Oo na basta uminom ka na ng gamot!" Inis na inis na sabi ko at tumango siya at kinuha yung gamot saakin.

"Promise ha!" Sabi niya at tumango naman ako. Ininom niya yung gamot kahit ayaw na ayaw niya ewan ko ba sakanya

"Oh chae, uminom na ako ng gamot ha!" Sabi niya at ngumiti ako

"Edi good! Oh matulog ka na!" Sabi ko sakanya at nagpout siya

Aba?!?! Kailan pa natuto tong magpacute?!??!

"Yung promise mo!!" Sabi niya

"Ano ba kasi yon?" Nagtatakang tanong ko

"Nagpromise ka saakin na pag gumaling ako makikipagdate ka saakin!" Sabi niya at napakamot sa batok

Makikipagdate lang naman pala eh!

Teka?!?!?!

Makikipagdate?!?!?!?

HA?!?!?!? ANO?!?!?!?

agad na nanlaki mata ko dahil ngayon ko lang narealize kung ano yung sinabi niya.

Bigla na lang siya nagtago sa loob ng kumot siya at natulog

Aba?!?!?

Ano bang trip ni Jaemin!??!?!?

C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon