52

1K 55 3
                                    

Chaehee's POV

Napagusapan naming tatlo nila sammy na sabay sabay kaming pupunta sa bahay nila kaitlyn

Grabe di ko alam kung bakit kinakabahan ako siguro kasi ngayon ko lang ulit makikita si Kaitlyn!!

"Uy Chae, ikaw na mag-doorbell!" Sabi ni Mae at tinulak ako papunta sa may doorbell

Jusko! Kanina pa kaming tatlo nandito sa tapat ng bahay nila pero walang gustong magdoorbell

"Dali na Chae! Si Kaitlyn lang naman yan." Sabi ni Sammy

Ewan ko ba sa dalawang to! Si kaitlyn lang naman pero nahihiya

Tatlong beses ako nagdoorbell pero wala pa ding bumubukas ng pinto

"Tara na nga! Baka mali yung napuntahan nating bahay." Sabi ni Sammy

"Oo nga, tara na Chae." Sabi ni Mae

"Teka last doorbell na lang talaga." Sabi ko at doorbell ulit ng mga 3 beses
Hanggang sa biglang may bumukas na

"Uhm yes? Who are you? I didn't order anything." Sabi nung lalake

English speaking!

Teka anong i didn't order anything? Ano kami delivery girl? Excuse me ha!
Awayin ko kaya tong englishero na to?

"Who are you ka din kuya ha? Ano akala mo saamin delivery girl ha?" Inis na sabi ni Mae

"Huy ano ka ba Mae! Malay mo yan yung pinsan ni Kait!" Bulong ni sammy

"Kait? You guys know kaitlyn? My cousin?!" Gulat na sabi nung lalake

"Oh God! Sorry! Hindi ako nainform na may kaibigan itong pinsan ko. Pasok kayo, pasensya na." Sabi niya at pinapasok kami

Pumasok naman kaming tatlo at umupo sa may sofa nila. Infairness, ang ganda ng bahay nila dito

"Sorry talaga. Tatawagin ko lang si kaitlyn." Sabi niya

"KAIIIIIIIIT! YOUR FRIENDS ARE HERE!!" Sigaw niya sa hagdanan

Nagkatinginan kaming tatlo kasi ewan ko ba parang ang weird nitong pinsan ni Kaitlyn

Pumunta siya sa kusina at biglang lumabas na may dala dalang pagkain.

"Kain muna kayo ng Pizza tsaka nitong Cake at Ice cream." Sabi niya sabay lapag ng dala niyang pagkain sa lamesa sa tapat namin

"Anong mga pangalan niyo pala? I'm Kaitlyn's favorite cousin, Mark. Mark Lee by the way." Pakilala niya

"Oy Mark Lee! Anong ginagawa mo? Tinatakot mo mga kaibigan ko?!" Sabi ni kaitlyn na kakababa lang sa hagdanan

"Tinatanong ko lang pangalan nila! Chill ka lang." Sabi ni Kuya Mark?

Kuya ba dapat itawag namin?!?

"Kanina pa kayo nandito?" Tanong ni kaitlyn at tumango na lang kami

Lumapit siya saamin at bigla niya kaming niyakap. Group hug ganon

"KAITLYN GRABE NAMISS KITA!!" Sigaw ni Mae

Jusko napakaingay talaga ni mae kahit kailan

"Namiss ko kayong lahat! Madami tayong dapat pagusapan grabe! Namiss ko talaga kayo." Sabi ni Kaitlyn

"Ehem! May tao pa dito." Sabi nung pinsan niya

"Tss, panira." Bulong ni Kaitlyn

"Mark, this is Chaehee." Sabi ni kait sabay turo saakin.

"This is Maerri, you can call her mae na lang kasi ayaw niyang tinatawag siyang Maerri pero ewan ko sakanya." Sabi ni kaitlyn sabay turo kay Mae

"This is Sammy, Sammy short for SAMatha aMYenn." Pakilala niya kay sammy

"Okayyyy! Sige na. Kumain na kayo diyan pupunta muna ako diyan kina Chenle sa tapat." Sabi niya at umalis na agad

Teka kilala niya si chenle?

Ah! Siya yung sinasabi na kaibigan ng pinsan niya..

What a small world nga naman.

Pero grabe di ako makapaniwala na magkakasama na ulit kaming apat na magkakaibigan shox! Mukhang mahabang kamustahan ang magaganap ngayon!!

C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon