Day 2: Path to Secretion

Comenzar desde el principio
                                        

Sino ba naman kasi ang hindi manginginig kay Yvo? Bata pa lamang kami ay sinanay na siya ng ama niya sa heavy trainings. He became the strongest of them. Sinanay din siya ng ama niya kung paano papatayin ang mga emosyong pwedeng makapagpabagsak sa kanya. He became heartless to people, but he never showed me how heartless he can be.

"Young lady, lets go," hindi na ako umangal pa.

Nauna na akong lumakad patungong entrance ng main building. Lolo's been expecting me for so many hours now. I'm sure he saw the scandalous affair that's happened right now, he'll be disappointed of me.

Pero ano nga ba ang magagawa ko when trouble is always reaching out to me?

When I was inside, the music of Nickelback entitled Far Away, was playing through the speakers. Ano na naman ba ang kalokohang naisip ni lolo at nagpatugtog siya ng ganito during school hours?

But to hell with lolo's reasons, I love this song. Reminds me of two people going back to each others' arms.

Hindi ko na kailangang magtanong kung saan ang office ni lolo. I've been here for a couple of times now, I think every year ay pumupunta ako rito kapag pinapatawag ako ni lolo. Supposedly ay kaming tatlo dapat nina Mira at Lucy ang magsasama-sama, but the two creatures took too long to prepare themselves. Kaya nauna na ako.

I felt Yvo's presence behind me. Matutuwa na sana ako kaya lang ay hindi lang ako ang natutuwa sa nangyayari ngayon. Other girls are staring at him with those sparkly eyes of theirs. Kung pwede lang tusukin ko mga mata nila ginawa ko na kanina pa.

"I'm sorry."

Napalingon ako kay Yvo. I stopped walking and faced him.

"For what?", takang tanong ko.

"For leaving you," mababang sabi niya.

Kapag ganitong hindi siya makatingin ng diretso sa akin, I know how guilty he is right now. I know him too well. Failure is what he hates the most.

I genuinely smiled. "It's fine. I can take care of myself, and besides, I can take care of those four losers. Magaling kaya ang nagturo sa akin."

Na-disappoint ako nang hindi ko pa rin nahuhuli ang kanyang tingin. Bagkus, ngiti lang ang naisagot niya sa akin.

Natahimik kaming dalawa. Kailan kaya mawawala ang ganitong pakikitungo niya sa akin? I've been trying so hard to make him feel comfortable around me, just like before. But why is it not working?

"Paging Miss Gonzales, the Chairman is already expecting you to be in his office by 11:30am,"

Napatingin ako sa speaker. Basag-trip naman!

Di ko tuloy mapigilang sumimangot sa CCTV na nakatutok sa aming dalawa ni Yvo.

"Paging Miss Gonzales, the Chairman is losing his patience."

Napabuntong hininga ako. Tumikhim muna si Yvo. "Uhm, I'll be outside. Call me if you need me."

"I will."

Yvo hesitated of leaving me alone. "Are you sure you don't want me to escort you?"

Umiling ako. "I'll be fine."

"Paging Miss Gonzales," that's lolo's voice.

Natawa na lamang ako nang makitang pinagpawisan si Yvo. Kung mga bata lang kami ngayon ay ganyan din ang magiging reaksyon ko, but then I got older and bolder so I wasn't scared of lolo anymore.

I didn't know what came to me because I kissed Yvo's cheeks! Pareho kaming gulat na napatingin sa isa't isa. Oh my gosh, ang landi ko!

Agad-agad akong tumalikod at naglakad ng mabilis palayo sa kanya. I felt my cheeks burning, and I can feel that Yvo's staring at me! Tumakbo na ako at hindi na nagaksaya pa ng panahon. Lumiko ako sa left hallway at doon ay pumasok ako sa nakabukas na elevator.

Path of Destruction (Editing and Updating)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora