Abaddon School 2.7

Start from the beginning
                                    

Nakita ni Lincoln, sina Gino at Spencer sa isang sulok at pinuntahan niya ang mga ito.

"Spencer, Gino, gising." paulit-ulit niyang sabi sa mga ito na may kasamang pagyugyog.

"Gising!"

Nakita niyang gumalaw ang mga ito at unti-unting bumukas ang kanilang mga mata.

Napaupo agad ang dalawa habang nakahawak ang mga ito sa ulo nila.

"Urgh! Sht! Nasaan tayo?" tanong ni Gino habang hawak pa rin ang ulo niya.

"Hindi ko alam." tanging sagot ni Lincoln.

"Basta ang natatandaan ko lang nagkaroon ng usok sa unahan ng bus at doon na nagkagulo at nawalan na ako ng malay. Hanggang doon lang naalala ko." dugtong ni Lincoln sa sinabi niya.

"Nasaan ang iba? Pakiramdam ko, may mangyayari na masama." Wika ni Spencer.

"Hindi ko rin alam, baka nandito lang din si---"

Hindi natuloy ni Lincoln ang sasabihin ng may narinig silang boses.

"Tngina! Ang sakit ng ulo ko! Nasaan ba tayo?" sabi ng taong lumapit sa kanila. Walang iba kundi si Rey.

"Shete! Pusanggala! Ano ba iyong ginamit nila sa atin para mawalan tayo ng malay?" Lapit din ni Fayce sa kanila.

Nasa likod ng dalawa sina Ivan at Debra na mukhang inaalala rin ang kanilang ulo.

"Ano bang nangyayari? Tsk. Nasaan tayo?" sabi ni Ivan ng makalapit sila kina Lincoln.

Walang nakasagot sa tanong ni Ivan. Ni-isa sa kanila walang may alam kung nasaan sila.

"Si Ms.Niña nasaan? Baka may alam siya rito?" tanong ni Debra ng makaupo siya.

"Nakita ko si Ms.Niña sa may gilid ng mga kahon. Mukhang wala pa siyang malay."

Pagkasabi ni Lincoln nun, lumakad sila papunta kay Ms.Niña. Nakita nilang mga gising na rin ang mga kaklase nila at ang iba ay mga umiiyak hindi alam kung nasaan sila.

Wala rin ang mga gamit nila. Mga cellphone na maaari nilang gamitin pantawag sa mga pamilya nila ay wala sa kanila. Mukhang kinuha ang mga ito.

Nang makalapit kay Ms.Niña, pilit nila itong ginigising.

"Ms.Niña! Ms.Niña! Ms.Niña, gumising na po kayo." sabi ni Debra sa kanilang guro habang tinapik-tapik ang pisngi ng kanilang guro.

Umungot si Ms.Niña at dahan-dahan iminulat ang kanyang mga mata. Inalalayan ni Debra ang guro na makaupo.

"N-nasaan tayo?" tanong niya kay Debra.

"H-hindi po namin alam,Ms." sagot ni Debra habang tinitignan ang mga kaklase niyang humihingi na ng saklolo.

Tumayo ang kanilang guro at nilibot ang kaniyang tingin. Nakita niya ang mga umiiyak niyang mga estudyante.

"Ms, nasaan po tayo? Baka po nag-aalala na mga magulang ko." sabi ni Stella, ang muse sa section nila.

"Oo nga po,Ms." Sabay-sabay na sabi ng mga ito.

"Calm down,class. I don't know where we are. But please, you need to calm down. Makakaalis din tayo rito." sabi ni Ms.Niña sa mga estudyante niya. Pero ang iba ay hindi napatigil sa pag-iyak lalo na ang mga kababaihan.

Tumahimik na napaupo si Ms.Niña hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi niya kung nasaan sila. Baka nag-aalala na ang parents ng mga ito. Sana mahanap agad sila. Mga salitang nasa isip niya.

Biglang bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan nila. Nagtumpok-tumpok sila lahat sa likod ng magsipasukan ang mga lalaking naka-itim.

"Anong gagawin nila sa atin?" Kinakabahang tanong ni Debra kina Fayce.

Abaddon School (Part 1&2) Where stories live. Discover now