27

325 13 3
                                    

Nicolette

Sabay kaming umuwi ni Seungmin ngayon. Medyo nalate kami ng uwi kasi pinagalitan pa kami ni Sir Lim kanina.

Ng malapit na kami kayna Seungmin. Narinig ko yung mama nya na masyang nakikipagusap kay Seunghee.

"Hay nako. Kailan kayo magkakaroon ng mg karelasyon? Ang tatanda nyo na mga wala pa din kayong boypren at girlfriend. Iniisip ko na lang na bakla yang si Seungmin at Kuya Wonpil mo," sabi ni Tita.

"Mommy. Wala samin yun ngayon basta masaya buhay namin," sabi ni Seunghee.

"Nandito na po ako," sabi ni Seungmin. Niyakap muna siya ni Tita at pumunta na sya sa kwarto nya.

"Good afternoon po," sabi ko.

"Good Afternoon. Anong name mo?," tanong nya.

"Nicolette po. Nikki na lang po hehe. Kaibigan po ako ni Seunghee," sabi ko.

"Okay. Nikki. Tawagin mo na lang akong Tita ah. Feel at home sa bahay namin," sabi ni Tita.

"Sige po Tita hehe," sabi ko. Umalis nanaman si tita kaya umupo ako sa sala.

"Oi bat ka nandito?," tanong ni Seunghee.

"Wala lang tambay," sabi ko. Bumaba naman si Seungmin.

"Shocks. Tshirt ni Seungmin yan ah," sabi ni Seunghee at tinuro ying tshirt na suot ko.

"Ahh. Pinahiram nya muna sakin," sabi ko.

"Ahh," sabi ni Seunghee.

Lumabas na si Tita galing kitchen na may dalang sandiwiches at mga juice.

Umupo naman si Seungmin sa tabi ko at umalis na si Seunghee.

Kumuha ako ng isang tinapay at kumain.

"Ikaw Seungmin! Ano mo si Nikki?," tanong ni Tita habang nakangiti.

"Girlfriend ko po," sabi ni Seungmin.

Muntik ko namang maibuga yung kinain ko.

"Ayos ka lang Nikki?," tanong ni Tita. Binigyan naman ako ni Seungmin ng juice.

"Opo hehe," sabi ko.

"Tulungan mo ako," bulong ni Seungmin sakin. Tss.

"So gano na kayo katagal?," tanong ni Tita. Pakyu Seungmin anong sasabihin ko.

"Last week lang po hehe," sabi ko.

"Tulungan mo din ako," bulong ko kay Seungmin.

"Pero matagal na kaming m.u. at matagal ko na rin siyang nililigawan," sabi ni Seungmin.

"Gusto mo?," tanong ko at inalok sya ng sandwich. Kinagatan nya naman yung tinapay kong hawak. Kinain ko naman tung natira nya.

Nagulat kami ng biglang pumalakpak si Tita.

"Nako Seungmin. Akala ko talaga di ka na magkakalove life," sabi ni Tita.

"Basta ingatan nyo ang isa't isa," sabi ni Tita samin.

"Sige maiwan ko na muna kayo ah," sabi ni Tita na masayang pumunta ng kusina.

Sumandal naman si Seungmin sakin. Ano bang nangyayari dito. Kinikilig na ako.

"Uy mabigat ka," sabi ko. Umiba naman sya ng pwesto. Humiga naman sya sa lap ko.

"Ang hilig mong humiga dyan," sabi ko.

"Bakit malambot naman ah?," sabi nya at iniiuntog yung ulo nya sa lap ko.

"Bagay sayo yung tshirt ko. Sayo na lang," sabi nya.

"Tanga ka ba? Pano kung may school fest? Babalik ko sayo to wag kang magalala," sabi ko. Ginulo ko naman yung buhok nya. Nakatulog naman sya sa ginawa ko. Ang gwapo nya talaga..

"May nagugustuhan ka ba?," bigla nyang tanong. Napabitaw ako sa buhok nya.

"Meron naman syempre," sabi ko.

"Ikaw ah! Di ka nagsheshare sakin ah!," sabi nya.

Bakit ko isheshare eh ikaw yon?

-------

"Tita babye po!," sabi ko.

"Sige ingat kayo. Seungmin hatid mo sya ah!," sabi ni Tita. Tumango naman si Seungmin.

"Now explain," sabi ko nung nakailis na kami.

"Wala gusto ko lang makitang masaya si Mama," sabi nya.

"Pano kung malaman ni Tita na nagpapanggap lang tayo?," tanong ko.

"Di nya malalaman yan. 1 week lang sya dito," sabi nya at tumigil na kami sa paglalakad.

"Babye," sabi nya.

"Babye! Ingat!," sabi ko at pumasok sa loob ng bahay.

Silently | k.smTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon