04

468 13 13
                                    

Nicolette

Pagkaligo ko, agad akong nagbihis at dumeretso kayna Seunghee.

Actually magkavillage lang kami kaya maglalakad na lang ako. Medyo nasa unahan kasi sila ng village kaya medyo malayo samin.

Napadaan naman ako sa isang tindahan. Di ko naman inaasahan na nandun si Seungmin na bumibili ng Coca Cola. Mukhang marami yung dadalhin nya. Nagpatuloy na akong maglakad

"Nikki!!," may tumawag sakin.

Tumingin ako sa likod ko. Nakita ko naman si Seungmin na patakbong lumapit sakin.

"Di ka ba nahihirapan? Limang 1 liter coke yang binili mo," sabi ko.

"Di yan. I have strong bones," sabi nya. Waw HAHAH.

"San ka ba pupunta?," tanong nya.

"Sa inyo," sabi ko at ngumiti.

"Tss. Nandun lang si Brian Hyung eh," sabi nya.

"Edi wow," sabi ko.

"Gusto mo tulungan na kita?," tanong ko.

"Hindi. Kaya ko na ito. Andyan na bahay namin oh," sabi nya. Hindi na lang ako kumibo.

Nagulat ako ng hilain nya ako sa tabi nya.

"Baka masagasaan ka. May ipapagamot pa ako ng wala sa oras," sabi nya at dumeretso na sa loob ng bahay nila.

Pumasok na lang ako sa gate nila at pumunta sa may pintuan.

Kumpleto nga sila doon.

Nakatingin naman silang lahat sakin. Maski kapatid ko nakatingin sakin.

"Nikki? Anong ginagawa mo dito?," tanong ni Jeongin. Bestfriend ko sya. Magbebestfriend kami nina Seunghee. Simula nung umalis si Jiah. Sila na yung naging friends ko. Dahil din naman yun kay Seungmin.

"Pinapunta ako ni Seunghee," sabi ko.

"Nics akyat ka na lang nandun si Hee," sabi ni Seungmin sakin. Kaya umakyat ako.

Nakakainis lang kasi di ko alam kung saan dito?

Binuksan ko yung isa. Nakita ko naman na sobrang linis non. Parang walang natutulog. Siguro sa mga magulang nya ito. Kaya sinara ko.

Binuksan ko yung sunod. Syet may piano. Piano ba yon o Synthesizer? Basta si Kuya Wonpil dito for sure. Kaya sinara ko ulit.

Pagkabukas ko nung isang pintuan. Anlakas ng feels ko na kay Seungmin ito. Nakita ko kasi yung picture nila ni Jiah sa isang frame. Hay. Kelan kaya sya mag momove on. Infairness. Ang linis ng kwarto nya. Sinara ko iyon. At eto na last room na.

Pagkabukas ko. Bumungad sakin si Seunghee na nakahiga habang nanunuod ng Black Panther at kumakain.

"Oi nandito ka pala," sabi nya

"Ay hindi wala ako dito," sabi ko.

"Chineck mo lahat ng kwarto ano?," tanong nya.

"Oo. At sayo lang yung pinaka madumi," sabi ko.

"Hay nako. Naiinis na ako dyan kay Min. Mahal na mahal pa din yung bulok mong bestfriend," sabi nya.

"Excuse me. Simula nung nawala sya. Wala na akong bestfriend na nagngangalang Jiah," sabi ko

Napatingin kami ni Seunghee nung may nagbukas ng pinto.

"Daejin at Seunghee, bumaba kayo. Makisaya kayo samin dali," sabi ni Wonpil oppa.

"Ayaw," sabi ni Seunghee.

"Edi si Daejin na lang. Daejin tara," sabi ni Wonpil Oppa. Umiling naman ako.

"Dali na. Nandun si Brian hyung," sabi ni Wonpil oppa. Natawa ako.

"Daejin please. Alam kong gusto mo. Nandun kapatid mo oh," sabi ko.

"Oppa naman eh. Wag mo kasi akong tawagin sa Korean name ko. Naiinis ako eh," sabi ko.

"Sige na sige na. Basta bumaba kayo," sabi ni Wonpil oppa at bumaba.

Tumayo naman si Seunghee at hinila ako pababa.

Silently | k.smWhere stories live. Discover now