06

387 13 1
                                    

Nicolette

Nakatambay kami sa 7/11 ngayon. Kakatapos lang kasi ng enrollment. So magkaklase kami nina Seunghee, Seungmin at Hyunjin. Sina Felix at Jisung naman naiba ng section kasi nalate silang magpaenroll kanina.

"Oi balita ko babalik na si Jiah," sabi ni Jisung.

"Luh san mo nakuha yan?," tanong ko.

"Sa babaeng nasa unahan ko," sabi nya.

"Ahh. Kaya pala nalate sa pagpila kasi nakipag chismisan," sabi ni Seunghee na ikinatawa ng lahat maliban kay Jisung.

"Gago kayo," sabi ni Jisung.

"Eh pano kung totoo yun? Anong gagawin mo Seungmin?," tanong ni Hyunjin.

"Wala. Antagal na nun. Nakamove on na ako," sabi nya at ngumiti. Liar.

"Ay naks naman Seungmin. Salamat after two years naliwanagan ka rin," sabi ni Felix.

Nagtawanan naman kami. Napatingin ako sa papasok ng 7/11.

"Pano kung nandito talaga sya?," tanong ko habang tinitignan yung babaeng kakapasok lang ng 7/11.

"Jiah," sabi ko.

-------

Tahimik kaming nakaupo ngayon dito. Nakiupo kasi si Jiah samin.

Katabi ko si Seungmin ngayon at parang di sya okay sa nangyayari. Sinisiko ko naman si Seunghee para tignan si Seungmin.

"Seungmin..-," naputol yung sasabihin ni Jiah nga tumayo si Seungmin.

"Aalis na ako," sabi ni Seungmin.

"S-saan ka pupunta?," tanong ni Jiah.

"Wala ka ng pake dun," sabi ni Seungmin at tuluyan ng umalis. Malungkot naman si Jiah ngayon.

"D-Daejin-," pinutol ko yung sasabihin nua ng tumayo ako.

"Jiah. Wag ako. Wala ka ng babalikan dito. At higit sa lahat wag na wag mo na akong tatawagi sa pangalang yan," sabi ko at umalis. Sumunod naman sakin sina Seunghee, Felix, Hyunjin at Jisung.

Umuwi na kaming lima. Pero naisipan kong nandun sya sa park ng village. Hay nako .. sa daming panahon bat ngayon pa?

Silently | k.smKde žijí příběhy. Začni objevovat