21

312 12 0
                                    

Nicolette

Pumasok na ako sa bahay nina Seunghee. Nagulat naman si Seungmin nung nakita nya ako.

Nakahiga kasi sya sa sopa at malalim ang iniisip.

"Wala si Seunghee?," tanong ko.

"Wala. Inutusan syang pumunta ng bangko eh," sabi ni Seungmin at tumayo.

"Upo ka," sabi nya. Umupo naman ako.

Kinuhanan nya ako ng tubig. Ang ikinagulat ko lang.. bigla syang humiga sa may lap ko.

"Oi Seungmin anuba?," tanong ko na parang natatawa.

"Mukha naman malambot eh," sabi nya at inuntog nya ng ilang beses yung ulo nya sa hita ko.

Hinayaan ko na lang sya tutal gusto ko rin man. Ginugulo ko naman yung buhok nya ngayon kaya feeling ko inaantok sya ngayon.

Nakita kong nakatulog sya kaya nakatulog na din ako.

--------

"Omayghad,"

Nagulat ako sa sumigaw.

"Hi Seunghee," ngiti ko. Si Seungmin naman natutulog pa din sa lap ko.

"Tangina mo. Gabi na," sabi sakin ni Seunghee.

"Dont worry. Dito ako matutulog sabi ni Mama," sabi ko.

"Ahh," sabi nya.

Nagising na si Seungmin ngayon. Nakatingin lang sya samin. Kinurot ko lang yung ilong nya.

"Gabi na bangon na," sabi ko. Bumangon naman si Seungmin at pumunta sa kusina.

Hinila na ako ni Seunghee papuntang kwarto nya.

"Ayyiieee!," nagulat ako sa sigaw ni Seunghee.

"Nung problema mo?," tanong ko.

"Wala. Feeling ko bagay kayo ni Seungmin," sabi nya.

"Waw ha," sabi ko at hindi tumitingin kay Seunghee.

"Bakit? Mabait ka. Maalahanin. Si Seungmin naman nice guy. Why not diba?," sabi nya.

"Tama ka na nga sa kalokohan mo," sabi ko at nagbasa ng mga libro nya.

Silently | k.smWhere stories live. Discover now