18

347 14 4
                                    

Nicolette

Nakakapagtaka ang kinikilos ni Seungmin nung mga nakaraang araw. Kahit saan ako magpunta nandun din sya.

Pero kinikilig naman ako dun.

Napatigil ako sa paglalakad  kaya napatigil din sya.

"Sabihin mo nga.. bakit palagi kang nasama sakin?,"tanong ko.

"Wala lang gusto ko lang lumabas," sabi nya. Tumahimik na lang ako. Mahirap ng magassume. Mapahiya pa ako.

Habang naglalakad kami.. may dumaang grupo ng kalalakihan na nag jojogging.

Tinulak ako ni Seungmin papalapit sa kanya. Puta pano kumalma.

"Mag ingat ka nga," sabi nya.

"Luh. Anlayo ko nga dun eh," sabi ko. Tumahimik naman sya.

Naglakad lakad lang kami.

"Eyy," sabi ko pambasag ng katahimikan at pinalo sya. Halatang nagulat sya sa ginawa ko.

"Anong nangyayari sayo?," tanong nya at natawa.

"Ikaw kasi eh. Bakit ba antahimik mo? Di ako sanay," sabi ko.

"Wala lang. Ano bang ikukwento ko sayo?," tanong nya. Sabagay.

"Gusto mo.. kain tayo?," tanong ko. Umiling naman sya.

"Ayy alam ko na," sabi ko.

"Nics. Wag mo ng ituloy ang balak mo. Malapit na klase natin tara na," sabi nya at tinulak ako pabalik ng room.

_______

Uwian na ngayon. Di ko pa rin magets kung bakit hindi pa umuuwi si Seungmin.

Nandito ako kasi sa room. Nagkukunwaring tulog. Actually tulog ako kanina. Nagising lang.

Nagkunwaring nagising ako. Nagulat ako ng nasa harap ko pala sya ngayon.

"Bat di mo ako ginising?," tanong ko.

"Kasi.. gising ka na?," tanong nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Ewan ko sayo," sabi ko at kinuha ang bag ko saka umalis.

"Uy wait lang!," sabi nya. Natawa naman ako at tumakbo.

Sa huli, magkasama kami ngayon umuwi. Di ko na tinatanong kung nasan si Seunghee kasi kinikilig na talaga ako.

"Uhm may gagawin ka bukas?," tanong nya.

"Uhmm. Wala naman," sabi ko.

"Ahh," sabi nya at ngumiti.

"Sige pasok ka na," sabi nya.

"Sige. Babye. Ingat," sabi ko at pumasok na sa loob.

"KYAAAAHH!," sigaw ko para mailabas ang kilig ko. Muntik namang mabilaukan si Kuya at Mama.

"Tangina mo Nikki," sabi ni Mama. Ngumiti lang ako at umakyat sa kwarto ko.

Silently | k.smWhere stories live. Discover now