25

312 14 0
                                    

Nicolette

Papalabas na sana ako ng kwarto ko para pumasok kaso humarang si Kuya.

"Anong kailangan mo?," tanong ko.

"Nandyan yung kapatid ni Wonpil hyung," sabi nya sakin at umalis. Sino dun sa dalawa?

Bumaba agad ako.

"Tangina?," bulong ko.

"Seungmin! Kumain ka na?," tanong ni Mama.

"Ay opo tita hehe," sabi ni Seungmin.

"Napapadalas ka dito ah. Anong ganap natin ngayon?," tanong ni Mama.

"Nako wala po HAHA," sabi ni Seungmin.

"Ehem," paglilinis ko ng lalaamunan ko para malaman nila na nandito ako.

"Oh Nikki, papasok ka na?," tanong ni mama.

"Opo. Babye po," sabi ko. Tumingin lang ako kay Seungmin. Tinignan nya rin ako.

Lumabas na ako ng bahay.

"Tita uhm papasok na din ako," sabi ni Seungmin kay Mama. Nilabas ko na yung bike ko. Nakabike din pala sya.

Nagsimula na akong mag bike ng hindi sya hinihintay.

"Uy. Nics. Galit ka ba sakin?," tanong nya.

Napatigil ako magbike.

"Bat naman ako magagalit sayo?," tanong ko at tumawa.

"Wala lang," sabi nya kaya nagpatuloy na ako magbike. Nang makadating kami sa gate, agad naming pinark yung nga bike namin.

Naglakad na kami papuntang school.

-----

Seungmin

Naglalakad na kami papuntang school. Antahamik namin ngayon. Ewan ko feeling ko ang awkward ng atmosphere.

Bigla namang tumunog yung cellphone ko.

Seunghee calling...

Accept | Decline

"Uhm?," tanong ko.

"Gago ka! Di mo man lang sinabi sakin na ihahatid mo si Nikki," sabi ni Seunghee sa kabilang linya.

"Bat mo kailangang malaman?," tanong ko.

"Basta! Lagot ka kay Mommy. Uuwi daw sila ngayon," sabi ni Seunghee at binaba yung tawag.

Tumingin ako kay Nikki.

"Uuwi si tita?," tanong nya.

"Hmm. Gusto mo bang makita si Mommy?," tanong ko.

"Pwede naman," sabi nya.

Papasok na kami ng school ngayon.

"Ah Seungmin?," tanong nya. Humarap naman ako sa kanya.

"Nakamove on ka na ba?," tanong nya. Napangiti ako.

"Oo. Matagal na yun Nics. May nagugustuhan na akong iba ngayon," sabi ko at pumasok kami ng room.

Silently | k.smTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon