.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Kitang-kita ko sa mata niya kung gaano siya nasaktan.

.

"Just tell me. Please." mahina na ang kanyang pagkasabi nun. Nakita kong may umaagos na luha sa mata niya. Nakaramdam ako ng kaunting pagkirot sa puso ko. I can't watch h crying.

.

Sasabihin ko sana ng may tumawag sa akin. Napalingon siya sa palda ko. Kung san nakalagay ang phone ko.

.

Tinignan ko muna siya. Gusto kong magpaalam muna sa kanya na sasagutin ko lang ang tawag.

.

"Give me your phone." nabigla ako sa sinabi niya. Kinakabahan ako na baka si Sir ang tumawag sa akin. Shit! Sir Fiancè pa naman ang nilagay ko sa phonebook ko.

.

" Ba---bakit naman? Teka lang, sasagutin ko lang 'to." inilayo ko ang katawan ko sa kanya at para makuha ang phone ko. Di ko binigay ang phone ko sa kanya. Buti nalang at di niya hinablot ito.

.

Pagtingin ko sa phone ay di nga ako nagkamali. Si Sir nga.

.

Sinagot ko ang tawag nito. Nanginginig narin ang kamay ko. Yung nararamdaman ko ngayon, parang yung batang takot malaman ng magulang niya na nasa in a relationship siya.

.

"He--hello?" utal kong sabi.

.

"Dont you dare tell him that I'm your f*cking fiancè Becca. Pinayagan na kitang sabihin sa kanya na ikakasal ka na. Enough na iyon." wait! Pano niya nalaman?

.

"Yes mom. Dont worry, susundin ko yun. Asan ka ba mom?" mukha na ba akong tanga? Tinawag kong mommy si Sir? Pero I think okay lang, maganda parin naman ako.

.

"Anong mommy pinagsasabi mo? " ba't ba ang stupid ng lalaking to? Di marunong makisabay? Ai  nakakaloka!

.

"Mommy naman ehh. Asan ka nga? Bwisit ka! Makisabay ka, kung ayaw mong malaman ng kasama ko na ikaw ang tumawag sakin." bulong kong sabi sa huli.

.

" Nakikita ko kayo sa cctv." cctv? May cctv pala ang academy na ito? Ba't ngayon ko lang nalaman? Siguro, dahil palagi nalang akong nakafocus sa academic. Tsk.

.

"Ang bongga naman mommy, san mo nilagay ang bago nating t.v.? Ai, wait teka lang Mommy ahh. May kausap pa kasi ako dito and seryoso po ang pinag-uusapan namin. Sige Mommy, Bye. Loveyou!" at inend ko na ang call conversation namin. Narinig ko pa siyang napamura ng marami sa phone kaya I ended it nalang. To make na gulo small.

.

"Bakit napatawag si Tita?" -Leo said.

.

"Bumili ng bagong flat screen tv and gusto niya pumunta ako sa bahay para makita ko." I lied to him all over again.

.

" Bakit ka ikakasal?" mahina niyang sabi. Okay, balik na naman kami sa main topic naming dalawa.

.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now