°_Chapter 49_°

7K 139 19
                                    

[ Author's Note: Maraming typos at wrong grammar. Pagpasensiyahan.]

THE WEDDING

°_Chapter 49_°

.

Rebecca's Point of View:

Unti-unti nang nagiging okay ang lahat. Sa pamilya ko at higit sa lahat, may hahatid na sa akin sa altar.

Bukas na ang kasal ko. Ang bilis lang talaga ng araw. Parang kailan lang inlove na inlove ako sa hindi ko inakalang pinsan ko na si Leo tapos nainlove ako sa sobrang striktong teacher na naging fiancè ko noon tapos bukas, ikakasal na ako sa taong sobrang mahal ako.

Pinangako ko sa sarili kong papakasalan ko si Austin kaya wala na talagang urungan.

" Anak, bukas na daw makakapunta si Euricka pero maaga naman daw." sabi ng daddy ko.

Kasalukuyan kaming nagrerelax malapit sa beach. Si Austin na kasi ang bahala daw sa kasal. Sabi pa niya dapat magbeauty rest ako para sobra raw akong gumanda bukas kaya pumayag narin ako noh. Kaya inanyayahan ko si Daddy.

" Siguro ang nag-oouting pa siya dun sa asawa niya. Ngayon pang may baby na sila. Dad, ano pala ang name ng baby nila?" sa sobrang busy sa kasal, hindi ko na natanong kung ano ang pangalan ng pamangkin ko.

Dad smiled and answer, " Yoanna.Yoanna Ericka Ishbelle."

Napakunot ang noo ko sa pangalan ng pamangkin ko. " Ba't ang haba?"

" Ewan ko ba sa kapatid mo pero maganda naman ang pangalan. Ikaw anak, kapag nagkaanak kayo ni Austin ano ang gusto mong ipangalan?"

Kung may sinisipsip lang akong tubig baka maibuga ko pa sa pagmumukha ni Daddy. Eh wala nga yun sa plano ko na manganak.

Dad laugh unexpectactly, " Wala kang planong manganak noh?"

Ginulo niya ang buhok ko at huminto sa paglalakad kaya huminto narin ako. " Anak talaga kita. Mahal mo pa si Ace pero wala kang magawa dahil nakapangako ka sa isang importanteng lalaki rin sa buhay mo kaya wala kang planong manganak, ano?"

I was shocked at what he just said. Paano niya nalaman? Ah, dahil pala sa anak niya ako pero amazing talaga si Daddy.

" Paano niyo naman po nasabi? Tsaka anong mahal ko 'PA' si Sir? " pagmaangmaangan ko pa.

" Anak nga talaga kita." ang weirdo talaga ng Daddy ko.

" Alam ko po."

" You kept on denying about your feelings for him pero kung siya ang tatanungin, ramdam ko talagang proud siyang ikaw ang minahal at mahal niya," I stare at him. Nagkita ba sila palagi?

" Ha?"

" Ace was the one who let us have a nice shelter kahit hindi naman namin deserve. Yung mansion na tinutuluyan niyo, dun niya kami pinatuloy at siya narin ang nag-alaga kay Euricka habang wala ang asawa nito. Napakabuting bata. Sinabi niya sa amin kung gaano siya nagsisisi na ginawa niya ang mga bagay na hindi dapat. You made him realize how bad it was to hurt a woman's heart."

Sumikip na naman ang dibdib ko. Siguro ang sakit sa part niya ang mga ginagawa ko. Mahal ko siya pero sapat ba yun para maging masaya kami? Ang hirap magsama sa taong mahal mo kung alam mong may masasaktan kang mahalaga sa'yo.

" Dad, ikakasal na po kami ni Austin. Huwag na po natin siyang pag-usapan." I said.

Ngumiti ako dahil kahit walang kapalit yung mga mabuti niya ginawa, inalagaan parin niya ang pamilya ko.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now