°_Chapter 16_°

9.5K 206 27
                                    

Lady Flexible's Note:

So sa chapter na 'to. Medyo binawasbawasan ko na ang pagiging jeje kong magsulat. Yung madaming emoticons. Sabi kasi ng bestfriend ko na jeje daw ang author kapag may maraming emoticons ang nakalagay. No offense po 'to hah. Opinion lang 'to ng bestfriend ko.

By the way, thank you for those people who reads my story. Di ko akalaing, aabot sa 4k+ ang reads nito.

So here's an another chapter. Vote kung nagustuhan ang chapter, comment kung ano ang naging reaksyon/suggestion. Enjoy kayo sa pagbabasa.

:D

♥_♥_♥_♥_♥

°_Chapter 16_°

.

Rebecca's Pov:

.

Di ako makatingin sa kanya ng diretso. Di ko kasi alam kung ano ang gagawin ko  ngayon. Dapat ko na atang ihanda ang sarili ko. Dapat kung ihanda ang sarili ko na masaktan. Kasi alam ko anytime makikipaghiwalay na siya sakin. Sino ba naman ang gustong magkaroon ng relasyon sa taong engage na. Magmumukha lang silang kabit.

.

"What do you mean?" naguguluhang tanong niya sakin. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Kasi malaki ang posibilidad na kapag sabihin ko sa kanya lahat lahat, mawawala nalang siya sakin ng basta basta.

.

Nilakasan ko ang loob ko na makapagsalita. Tumalikod ako sa kanya. Ayaw kong makita niya akong umiiyak.

.

"Ikakasal na ako. Matatali na ako Leo. Magkakaroon na ako ng asawa. Titira ako sa iisang bubong kasama ang lalaking mapapangasawa ko. Nakuha mo ba? Malapit na akong magkaroon ng sariling pamilya." pinilit kong pinatatag ang sarili ko. Ayaw kong mauutal man o naiiyak kapag sinabi ko sa kanya ang totoo.

.

"You're kidding. Right?" tumingin ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin ang katagang nagbibiro lamang ako.

.

"Sa tingin mo magsisinungaling ako sa iyo kung ang hirap na nga ng sitwasyon?" unti unti ng nangungunot ang noo niya. Puno ng pagtataka at hinanakit. Ako rin naman ehh, nasasaktan.

.

"Kanino ka ikakasal? Who's that man? The man that you are going to be with." namumuo na ang mga tubig sa mga mata niya. Naiiyak na ba siya? Ito na ata ang kinakakatakutan ko.

.

"Gusto mong malaman? " pagtatanong ko sa kanya. Gusto kong makasiguro.

.

"I'm damn curious right now just to know that man Rebecca." halos magsitayuan lahat ng balahibo ko dahil tinig ng boses niya. Alam kong pinipigilan lang niyang sumigaw dahil sa galit kung sino talaga ang lalaking mapapangasawa ko.

.

"Magsisisi ka kung sasabihin ko sayo." wala sa sarili kong sabi.

.

"Wala akong pakialam kung magsisisi ako kung sino man ang lalaking iyan. Ang importante sakin ay ang malaman kung sino siya at ng mabugbog ko siya hanggang sa bawian ng buhay ang gagong lalaking iyon." napalingon ako sa kanya sa sinabi niya. Ngayon ko lamang nalaman ang bad side niya. Napaka-harsh kung magsalita. Siguro lahat ng lalaki ganito.

.

Tanging paglunok ng laway ang aking kayang gawin ngayon. Hindi ako sanay na ganito si Leo.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now