°_Chapter 43_°

8.3K 137 6
                                    

Author's Note: Sorry kasi sobrang daming wrong grammar at typos.

°_Chapter 43_°

Rebecca's Point of View:

" He's been lying to you. Hindi ka niya mahal, Becca. I'm not saying this to ruin your relationship but I'm telling you this because you're my daughter. I don't want you to live a life with full of lies." nag-aalalang sabi ng Mommy ko.

Narinig niya kasing humahagulgol ako kagabi kaya pumasok siya agad sa kwarto ko. Buti nalang at tapos na kaming mag-usap ni Sir nun.

Sinasabi niya kasi kanina pa na niloloko lang ako ni Sir. Ang gulo naman kasi. Sino ba yung paniniwalaan ko? Yung lalaking nakasama ko ng anim na buwan na mahal ko o yung ina ko na bago ko lang nalaman na siya pala ang real mom ko.

"Paano mo 'to nasasabi sa akin ngayon? Hindi niya ako niloloko. Kung tutuusin, ako yung nanloko sa kanya kasi hanggang ngayon hindi niya alam na hindi kami tunay na kasal." sagot ko sa kanya. Hindi niya pwedeng i-judge ang taong hindi pa niya ganun kakilala. Kilala ko si Sir. Alam ko kung kailan siya magsisinungaling at kung hindi.

Napabuntong hininga nalang siya at lumabas sa kwarto ko. Napahiga nalang tuloy ako. Bakit niya ba sinisiraan si Sir sa akin?

Hindi katagalan lang ay bumukas na naman ang kwarto ko. Pumasok si Mommy at binigay sa akin ang isang envelope. Para saan ba 'to?

"Read it and you'll know that man." sabi niya tsaka lumabas ulit.

Binuksan ko ang envelope at kinuha ang mga... larawan? Tinignan ko ang unang larawan na andun si Sir. Wait. Bakit sila magkasama ni Mommy nito? Kilala ba talaga nila ang isa't-isa?

Puro larawan nila Mommy at Sir ang nasa larawan. Napasinghap nalang ako ng may sumagi sa isipan ko. May relasyon ba sila?! Imposible naman, matanda na kaya si Mommy pero hindi pa naman kumukulubot ang skin niya.

Kinuha ko ang isang kontrata ata. Napansin ko agad ang pirma ni Sir Ace. Para saan ba 'to?

Binasa ko ang lahat na nakasulat. Nakalahad dun ang tungkol sa pagiging abogado ni Sir Ace kay Mommy. So ano naman? May connect ba 'to para lukuhin ako ni Sir?

Ugh! Ang sakit na ng ulo ko. Niligpit ko nalang lahat ng mga larawan at kontrata. Wala akong naintindihan kaya wala parin tong silbi para lukuhin niya ako.

Lumabas nalang ako sa kwarto at pumunta sa library dito sa mansion para ibigay kay Mommy ang envelope na binigay niya.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Ano ba ang connect ni Sir sa pagiging manloloko niya? Nalaman ko lang na nagkikita kayo kasi naging abogado mo siya pero it doesn't na manloloko na. Huwag niyo naman po siyang siraan sa akin. Kilala ko na siya, Mom. Anim na buwan kaming nagsama sa iisang bubong kaya imposibleng hindi ko malaman na niloloko niya ako."

"What about not knowing about him as my lawyer? Kung mahal ka niya, sinabi niya sana lahat ng tungkol sa kanya."

"May personal life rin po siya, Mom! Mahal niya ako at ramdam ko yun sa boses niya. Maaaring hindi pa niya masyadong napakita sa galaw pero alam kong mahal rin niya ako. Kaya please, huwag mo na siyang siraan sa akin. Minsan lang ako naging masaya kaya huwag niyo po sana yung ipagkait sa akin." naiinis kong sabi sa kanya. Wala siyang karapatan para siraan si Sir sa akin. Pareho lang naman pala sila ng Daddy at yung impostor kong ina noon.

"Yes, he does have his own personal life but hindi mo alam na ang pagiging abogado niya sa akin ay tungkol lahat ito sa'yo. Alam niyang anak kita pero hindi niya sinabi sa'yo. Alam niyang matagal ko nang gustong makuha kita pero ni minsan hindi man lang niya ako naikwento sa'yo. Kahit siya, ipinagkait ka rin niya sa akin." umiyak si Mommy. Tumayo siya at humarap sa akin.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now