°_Chapter 48_°

7.2K 118 5
                                    

Author's Note: Maraming typos at wrong grammar.

°_Chapter 48_°

Rebecca's Point of View:

It's better to tell him the truth than keeping it a secret. Ito naman ang gusto niyang marinig. Na mahal ko pa siya.

" Ngayong nasabi ko na, maaari na ba akong umuwi?" I said softly. " Naghihintay pa yung asawa ko."

Mas mabuti pang umuwi ako kesa marinig mula sa kanya na ayaw na niya sa akin kasi mas masakit kapag galing pa talaga sa kanya.

" Ayaw mo na ba akong maging asawa kung ako naman yung mahal mo? Hindi mo ba kayang i-urong ang kasal?"

" Ayaw kong saktan si Austin at pati narin ang sarili ko." nakayuko kong sagot sa kanya.

Hinawakan niya ang balikat ko at inangat ang mukha ko gamit ang kamay niya para makita ko siya.

" Paano nalang tayo? Hindi mo ba kayang ipaglaban ang kung anong meron tayo?" tanong niya.

" Magiging ama ka na." sabi ko.

" What? Nagka---" natigil kami sa pagdadrama namin ng tumunog ang phone niya.

Ayaw niya sanang sagutin ng ako na ang nagtulak sa kanyang sagutin ang tawag.

" Hello?... Ano?!..Asang hospital?!... Oo, papunta na ako diyan!" kinakabahan niyang sagot sabay hawak ng kamay ko para papasukin sa sasakyan niya.

" Ano ba ang nangyari?" tanong ko sabay suot ng seatbelt. Kinakabahan narin ako. Ano ba ang nangyari?

" Nasa hospital si Euricka. She's giving birth already." sabi niya sabay paharurot ng sasakyan niya.

Hindi na ako nagsalita pa. May anghel na darating sa buhay na nila. Pinahiran ko lang ang luha ko. Hindi man lang niya napansin dahil nakatuon sa daan ang mga tingin niya.

Bakit niya pa kailangang isama ako? Para makita kung gaano sila kaperpekto at kasaya? Oo, nakakainggit. Sobra.

Nakarating kami sa hospital na ligtas. Lumabas siya agad sa sasakyan at tumakbo papunta sa loob. Ni hindi siya nakapagpaalam na papasok na siya. Naiwan ako.

Kahit alam kong masasaktan lang ako, pumasok ako. Para makita ang pamangkin ko at ang kapatid ko.

" Nurse,asan po ba ang room ni Euricka Mendoza?!" hinihingal na tanong ng isang lalaki. Why the hell is he looking for my sister?

" Kaano ano po ba kayo ng pasyente?" tanong naman ng nurse.

"I'm her husband." lumaki ang mata ko sa naging sagot niya. Husband?

" Room 168, Sir." tatakbo na sana siya ng hinawakan ko ang braso niya.

" Husband? Kailan ka pa naging asawa ng kapatid ko?" I asked without any hesitation in my voice.

Kinunutan lang niya ako ng noo. " Years ago." sabi niya sabay hila ng braso niya at tumakbo papunta sa kwarto ni Euricka.

Sinundan ko siya at sabay kaming sumakay sa elevator.

" You seems familiar," he said.

" Syempre kasi kapatid ko yung asawa mo. Magkamukha kami." I answered sarcastically.

Pero he's right. He also looks familiar. Na-meet ko na ba siya noon?

" No. Hindi kayo hawig ni Euricka." sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at tumitig siya sa akin.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now