16

1.7K 73 132
                                    

Hana

Sobrang sama ng pakiramdam ko ni hindi ako makabangon. Nagpractice kasi kami buong maghapon para sa play namin sa english. Pinagpawisan ako at di pa ako nakapagpalit ng damit. Sakitin daw talaga ako sabi ni Mama.

Bumukas ang pinto at nakita ko si Kuya na may bitbit na baso at gamot. Agad ko tinakpan ang sarili ko gamit yung kumot ko.

"Tsk. Inumin mo to."

"Ayaw ko.."

Sabi ko. Naramdaman kong umupo si Kuya sa kama ko at buong pwersa inalis yung kumot na nakatakip sa akin.

"Wag ka na maarte."

Sabi ni Kuya. Napabuntong hininga na lamang ako. Inalalayan nya akong makaupo at uminom ng gamot. Muntikan pa ako masuka. Ayaw ko talaga yung mga lasa ng gamot. Ng makahiga na ulit ako ay hinawakan ni Kuya ang noo ko.

"Hmm. Ang init mo pa rin.."

"S-syempre...ang hot ko.."

"May sakit ka na nga nakuha mo pang magbiro. Magpahinga ka na dyan."

Sabi ni Kuya at tumayo na. Ng makalabas na sya sa kwarto ko ay muli kong ipinikit ang aking mata. Pero narinig kong bumukas nanaman yung pinto. Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita ko nanaman si Kuya.

"May bisita ka pala."

Sabi ni Kuya at napakunot naman yung noo ko. Huh? Sinong bisita? Umalis na si Kuya at nanlaki ang aking mata kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita ko si...Hyunjin.

"Hi, Hana.."

Bati nya at ako naman natameme. Sya ba talaga yan? Andito talaga sya sa kwarto ko?? Dahan-dahan nya sinara yung pinto at naglakad papalapit sa akin. Umusog ako ng onti sa may pader at naupo naman sya sa kama ko.

"B-bakit andito ka?"

"Gusto lang sana kita bisitahin dahil sabi ng Kuya Felix mo may sakit ka daw.."

Sabi nya sabay ngiti sa akin. Si Kuya talaga. Mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko ng hawakan nya yung noo ko. Napalunok ako dahil sa kaba dahil ang lapit ng mukha nya sa akin. Grabe, ngayon ko palang sya nakaharap ng ganto. Sa chat lang kasi kami madalas nag-uusap eh..

"Medyo warm ka na. Nakainom ka na ba ng gamot mo?"

"O-oo, kakainom ko lang."

Tugon ko at tumango na lamang sya. Maya-maya pumasok ulit si Kuya sa kwarto ko na nakakrus pa ang kamay.

"Hoy, bibili lang ako ng pagkain. Bantayan mo tong kapatid ko ah?"

Sabi ni Kuya kay Hyunjin. Tumango naman na parang bata si Hyunjin. Napatingin naman sa akin si Kuya.

"Ikaw Hana, behave ka lang dyan ah?"

Sabi nya at lumabas na. Tss. Behave ka dyan? Sa tingin nya ba may binabalak ako? Tss. Napatingin muli ako kay Hyunjin at nahuli ko syang nakatitig sa akin. Agad syang umiwas ng tingin at napakagat naman ako sa aking labi. Huhuhu ano nangyayari??

"Umm..kamusta araw mo?"

Tanong ko sa kanya. Agad syang napatingin sa akin. Shet, ba't namumula yung mga pisngi nya?

"Ok lang naman. Maglalaro nga sana kami ng basketball ngayon eh.."

"Ba't di ka nalang sumama sa kanila? Dapat di ka na pumunta dito.."

Sabi ko at bigla nalang sya ngumiti sa akin.

"Mas gusto ko pang bantayan ka kesa maglaro ng basketball.."

Sabi nya. Yung puso ko, bes! Sasabog na! Huhuhu. Umiwas ako ng tingin sa kanya at huminga ng malalim.

"M-matutulog na ako.."

"Sige."

Sabi nya at pinikit ko na ang aking mata. Maya-maya naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo ko. Napakapit ako ng mahigpit sa kumot ko. SHEEETTT!

"Sleep well, Hana.."

Bulong nya sa aking tenga. Asdfghjkl!

CRUSH. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon