10

1.7K 72 68
                                    

Hana

Ng makabihis na ako ay dumiretso na agad ako sa baba at lumabas na. Mabuti nalang rin wala pa sila Mama. Napatingin ako sa garahe namin at nakitang wala na dun yung motor ni Kuya. Nakaalis na siguro sya. Napatingin ako sa relos na suot ko at nakitang malapit na mag 6pm. Sumakay nalang ako ng jeep papunta sa park na yun.

...

Ng makarating na ako sa park ay iginala ko ang tingin ko sa paligid. May mga ibang tao ang nandito pero di ko mamataan si Kuya at si Hyunjin. Hmmm. San kaya sila?

Maya-maya kay nagsidatingan ng mga grupo ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Hyunjin kaya agad ako nagtago sa may puno. Nakita ko rin kasama nila si Kuya na may bitbit na lobo. Yung ibang kasama naman nila ay may bitbit na banner at gitara. Teka, ano meron? Bakit may bitbit silang ganun? May susupresahin kaya sila?

Tumigil sila sa may gitna at nakita kong napapatingin yung iba sa kanila. Ano kaya meron? Nakita ko si Hyunjin na may hawak na rosas. Para kanino kaya yun?

"Ayos na! Andyan na sya!"

Sabi ni Hyunjin at lahat sila nagsiayusan na. Yung iba may hawak ng lobo at yung natitira ay hinawakan yung banner. At nakita kong nakasulat dun sa banner na yun ay...

Happy Birthday, Stacy!

Nagsimula ng tumugtog ng gitara yung isang lalaki, dahilan para mapatingin sa kanila yung iba. Sinundan ko kung san nakatingin sila Kuya at sa gilid ko ay meron akong nakitang isang babae. Isang magandang babae...

Napatingin muli ako kayla Kuya at nakita si Hyunjin na nakatayo na dun sa may gitna nila. Napatingin muli ako dun sa babae na napatakip ng bibig ng makita si Hyunjin. S-sino sya?

Naglakad na yung babae papalapit sa kanila. Sya siguro si Stacy. Ng makalapit na sya kay Hyunjin ay inabot nya na yung hawak nyang rosas dun sa babae; kay Stacy. Kinuha naman yun ni Stacy at may kung anong kumirot sa aking puso ng magyakapan yung dalawa. Nagsihiyawan, kasama si Kuya, naman yung mga grupo ng lalaki sa likod nila.

M-may girlfriend na si Hyunjin?

Mas lalong kumirot ang aking puso ng halikan ni Hyunjin si Stacy sa labi. Namalayan ko nalang na may luha na palang tumutulo mula sa aking mata. May girlfriend na sya...ang sakit..

Agad ko pinunasan luha ko at tumalikod sa kanila dahil di ko na kaya ang nakikita ko tsaka ako tumakbo palayo.

CRUSH. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon