07

1.8K 66 11
                                    

Hana

Pumasok ako sa kwarto ni Kuya at naabutan ko syang pinapatugtog nanaman yung bboom bboom. Gulat syang napatingin sa akin at agad pinatay yung tugtog. Tumayo sya mula sa kinauupuan nya at umakto na parang ba wala lang.

"A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

"Kuya ba't mo naman sinabi kay Hyunjin na crush ko sya?! Huhuhu!"

Pagmamaktol ko at pinitik nya naman yung noo ko. Agad ako napaaray at napahawak sa kawawa kong noo.

"Ano naman kung sabihin ko sa kanya? Katapusan na ba ng mundo?"

"Ehhhh! Sinabi ko nalang na hindi!"

"Yun naman pala eh."

Sabi nya at muling umupo sa kanyang swivel chair. Napabuntong hininga nalang ako at tumalikod na sa kanya. Maglalakad na sana ako palabas pero bigla nya akong tinulak sa gilid dahilan para mapasandal ako sa pinto nya.

"Aray ko--"

"Tumabi ka nga!"

Sabi nya habang nakahawak sya sa tyan nya. Tsk. Natatae na siguro sya. Napatingin ako sa study table nya at nakita yung cellphone nya dun.

Sinugarado kong nasa cr na talaga sya bago lumapit sa study table nya. Agad ko kinuha yung phone nya. Mabuti nalang rin kabisado ko yung password nya. *buwahahahaha!

Ng mabuksan ko na yun ay sakto naman may message sya galing kay...HYUNJIN! Dahil sa naexcite ako ay agad ko iyon binasa.

Hyunjin: pre, bukas ah. Mga 6pm dapat andun na kayo.

Ano meron? San sila pupunta? As if naman sinagot yung tanong ko, tumunog muli yung phone nya at may panibagong message ulit si Hyunjin.

Hyunjin: 6pm sa park ah? wag kayong malalate.

Alright. Narinig ko na ang boses ni Kuya kaya agad ko na pinatay cellphone nya at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto nya. Phew!

CRUSH. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon