Wattpad Original
There are 4 more free parts

Kabanata 6

30.2K 1K 92
                                    

Kabanata 6

Pagod pa ako nang nakarating ako sa Maynila pero sinabi ko kay Ross na ideretso niya ako papunta sa dinner kasama ang pamilya ni Sebastian. Ngayon ko lang din nalaman na may dinner at pagod na pagod pa talaga ako.

Hinubad ko ang aking denim jacket at itinali iyon sa aking baywang. Nang makarating kami sa lugar ay naging mabilis ang lakad ko para mas makita sila kaagad. Nagtatawanan pa sila at natigil lamang dahil sa presensya ko.

Nakita ko ang bahagyang pagyuko ni Sebastian. Hoy, bobo! Anong ginawa mo?

Umupo ako sa bakanteng upuan at huminga ng malalim. "Sorry, I still have my jetlag. Galing pa akong Singapore."

Kailangan kong magsinungaling para hindi nila ako matunton sa oras na mawala ako. Ayokong madamay ang kahit na sinong mga tao sa Cagayan.

"Euphy, hindi na kami magpapaligoy pa," panimula ng tatay ni Sebastian. "Why did you reject our son?"

Gusto kong umirap dahil ang anak nila ang tumawag sa akin para sabihin na ayaw niya! Tapos ngayon ay hindi niya kayang panindigan? This was why I hate boys who grew up in the city! Akala nila ay laro lang ang lahat at karamihan pa ay hindi seryoso sa buhay nila.

"I just don't think that we could be a good couple. We're good as friends, Tito. Isn't that enough?" I can't help but voice out. Humalukipkip si papa na ngayon at mariin ang tingin sa akin.

Isa-isa ko silang tiningnan at kita ko sa kanilang mga mukha ang pagkabigo dahil sa sinabi ko. Para bang ang laki ng expectation nila sa akin na gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko. Well, akala ko rin ay handa akong gawin ang gusto ni papa pero hindi. I was sorry to disappoint you but I hope you're used to it, dad.

"Dad, I told you, it's okay. I don't want to force her anyway," ani Sebastian sabay inom sa kaniyang baso. Gusto ko tuloy ipalunok pati ang kaniyang baso. Badtrip na taong 'to! Hindi ko alm kung saan ba gawa ang utak at para bang hindi tama ang pag-iisip!

"Euphemia!" Tumaas na ang tono ng boses ni papa. Dinaluhan siya kaagad ng aking madrasta. "Akala ko ba napag-usapan na natin ito? Susuway ka na naman ba?"

"Pa, my answer to your proposal will never change. I have my decisions and I want you to deal with it." Napatayo na rin ang ibang miyembro ng pamilya ni Sebastian dahil sa sinabi ko.

Everything was clear. I didn't want to be with their son and he felt the same too. Just let us do what we want! Hindi kailanman pinipilit ang pag-ibig dahil dapat kusa ito.

"But you need to consider the tradition of our family, Euphemia! Ano bang iniisip mo, ha?!" galit na sabi ng aking madrasta habang si Amy ay nakatayo sa gilid niya.

Bahagya akong natawa bago ko siya sinagot, "It's my family's traditon, Teressa. You're not a part of it."

Sasampalin niya na sana ako nang sinalag ko kaagad iyon. Don't you dare touch me! I didn't bitchslap anyone when I've had enough!

"Mauuna na kami at baka kung saan pa umabot itong gulo na 'to," sabi ng ama ni Sebastian bago kami iniwanan.

Nanatili kaming tahimik habang si papa ay galit pa rin ang tingin sa akin. Hindi naman aabot sa ganito kung hindi siya mapilit sa mga bagay na hindi naman dapat ipilit.

Nadagdagan lang ang rason ko para lisanin ang buhay kasama sila. I can no longer take a single day with them. Nakakasakal at para bang ako na mismo ang gagawa ng paraan para lang maihatid sila sa impiyerno.

"Sa bahay tayo mag-usap!" Mahihimigan ang pangigigil sa kaniyang tono. Nagmartsa siya paalis saka sumunod ang kaniyang mga alipores.

Dinaluhan naman ako ni Ross at inalalayan papunta sa aking sasakyan. After this, uuwi talaga akong Cagayan para doon na manirahan. I will be happy in that place! Ramdam ko ang samahan ng pamilya sa lugar na 'yon. Hindi rin nila ako hinuhusgahan at minamaliit gaya ng ginagawa ni papa.

"Ross," tawag ko. Alam kong nakikinig siya kahit abala sa pagmamaneho. "Ang saya sa Cagayan."

Nakangiti ako habang sinasabi 'yon. Masaya na o may gwapo lang talaga kaya masaya? Pwede kayang pareho?

"Talaga? Hindi ka naman nila pinagmalupitan? Ang mga tanim, ayos naman ba?"

Kinuwento ko ang lahat sa kaniya ang buong nangyari habang nasa Cagayan ako. Maging siya ay natawa sa kabaliwang ginawa ko pero alam ko naman na suportado ako niyan.

Kahit wala pang dalawang araw ang pananatili ko roon ay natiyak ko na agad na magiging masaya ako sa lugar na iyon. Kaya ba gusto ni mama na roon ako manirahan kasi alam niyang sasapitin ko 'to?

Naalala ko tuloy ang sinabi nang lola ni Ledge. Next week na ang enrollment para sa Cagayan State University. Gusto kong mag-aral doon para na rin makita ko si Ledge nang mas madalas! Mas magiging masaya siguro 'yon.

Baka nga kahit na anong kurso ay tahakin ko. Basta ba makita ko araw-araw si Ledge ay mabubuo na ang buong taon ko!

"Galit na galit ang papa mo, Euphy," aniya sabay pakawala ng buntonghininga.

Right now, his rage didn't bother me anymore. I was used to it and he will never change. Matayog ang prinsipyo ni papa na kahit sa akin ay nagiging ganiyan siya. Mabuti pa nga si Amy ay mukhang mahal na mahal niya samantalang ako itong anak niya mula sa babaeng pinakasalan niya.

"It doesn't matter to me anymore, Ross. Aalis na rin naman na ako sa bahay na 'yon and you need to prepare all of my documents." Utos 'yon at hindi pakiusap.

Alam kong darating ang araw na 'to. Ang araw na talagang mapupuno na ako dahil napagod na rin akong umintindi. Mahal na mahal ko naman si papa kaso mas nanaig sa akin ang makawala kaysa magsakripisyo para lang sa ikasasaya niya.

This time, ako naman. Hey, self. Get ready and be strong. I love you.

Finally Home (Ellington Series #1)Where stories live. Discover now